Kabanata 16

45 0 0
                                    

Kabanata 16

Snitch

"Hindi ko alam kung mas maganda ba na unahin ang acquaintance ball o ang intramurals. Pero mas bet ko talaga kung aqcuaintance na lang,"

Sumimsim si Evan sa inorder niyang coffee sa mall bago kami pumunta dito at patuloy na naka tutok sa cellphone niya.

"What do you think?" tanong niya nang di ako tinitignan.

"Mas maganda kung intramurals-"

"Acquaintance! Nice idea, bakla,"

Mabilis kong ibinato sa kaniya ang ang throw pillow na nasa tabi ko lang. Umilag siya at sinalo iyon sabay tawa. Umiling ako.

"Nag tanong ka pa..." umirap ako at muling ipinatong ang mga paa sa center table ng living room nila Evan.

Narito kami ngayon sa bahay nila Evan. His parents were out of town. Nasa galaan naman ang kuya niya kaya kami lang dalawa rito. His house is pretty far from mine and the school but it is the only place we could ve at peace at kung saan malaya rin si Evan.

We've decided to stay and hang out in his place even when it's too far dahil kung hindi ay hindi rin kami makakapag kwentuhan ng maayos.

Ilang araw nang nag lalagi si Xander sa bahay. Sa katunayan ay nabuo niya na ata ang buong linggo na ito na nasa bahay lang. I find it ver, very, very annoying dahil una, ayaw niya kaming tantanan ni Evan sa tuwing nasa bahay ang kaibigan ko. At pangalawa, dahil alam kung ano ang dahilan ng sobrang pag dalas niya sa bahay.

Noon ngang wednesday ay maagang nasa bahay si Evan. May isang quiz kasi kami at sinabi kong maaga siyang pumunta para maturuan ako. At dahil sa tanghali parin ang pasok ni Xander ay nasa bahay na siya kahit maaga pa.

"Tara na," sabi ko kay Evan at binaliwala si Xander na nakaupo lamang sa sofa kahit ramdam ko ang paninitig niya sa amin.

"You can study here, Jessica," si Xander na agad tumayo nang nakitang paakyat kami.

Hindi ko alam kung paano niyang nalaman ang tangkang pag rereview namin ni Evan pero hindi ko na siya tinanong.

"Ayan na naman siya." bulong ni Evan at enough para kaming dalawa lang ang makarinig.

Hinarap ko si Xander at naka pamaywang na tinitigan pabalik.

"You're at it again? Drop it now,"

"I'll drop it. Matuto ka munang sumunod." nang hahamon niyang sagot.

"Oh c'mon. Sila kuya nga pwede 'e. Tapos ikaw ganyan na naman?"

"Masyado kasi silang maluwag sayo,"

Sasagot pa sana ako pero pinigilan na ako ni Evan sa pamamagitan nang mag hawak sa braso ko.

"It's okay. Dito na lang tayo sa sala. O kaya sa dining area," malumanay na sagot ni Evan.

Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Kunin mo na ang mga gamit mo. Doon na lang tayo," aniya at tinuro nga ang dining area.

Sumulyap ako kay Xander na ngayon ay nakaupo na ulit. I can see that smile he's trying to hide in his face. Umirap ako at ginawa na lang ang utos.

Ganon ang karaniwang nangyayari sa bahay pag bumibisita si Evan at naroon si Xander. Kaya hindi rin kami makapag kwentuhan sa paraang gusto namin. That's why we chose to be here for today.

Isa pa, I'm trying my best to avoid him. Napansin ko kasing sa tuwing nag kikita kami ay nag aaway na lang kami. I cannot stop my annoyance when I see him around my house dahil alam kong iba rin naman ang pakay niya. And to probably knock some things in my mind. Ilang beses ko man kasi sabihin na mali ang nararamdaman ko, hindi ko parin mapigilan ang nararamdaman at emosyon ko. And it really sucks.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now