Kabanata 40

25 1 0
                                    

Kabanata 40

The hideout

"Bakit bukas? May klase ka diba..."

Napakamot ako sa ulo ko. I know but...

Narito kami sa garahe ngayon. Kakahatid lang sa akin ni Xander at sinabi kong kakausapin ko si kuya kaya wag na siyang nag stay. Gusto niya sana na siya na lang ang kakausap pero tingin ko ay kaya ko naman. Wala pa si Kuya Ken at Daddy. Nasa taas naman si mommy at tinutulungan si Brent sa assignment.

Nakataas ang hood ng sasakyan niya at puro grasa ang kamay niya dahil sa inaayos roon. Shirtless in front of me, he reached for the dirty rug laying beside me. Pinunasan niya ang kamay niya pero hindi naman tulutang natanggal ang mga itim doon. Hinarap niya ako pagkatapos.

"Naisip kasi namin na kung ipagpapaliban baka second o third week pa ng november bago kami maka alis ulit..."

Pinaliwanag ko sa kanya ang napag usapan namin ni Xander. Nagpatuloy siya sa mga ginagawa niya habang nakikinig sa akin. Huminto lang ako ng tingin ko ay naipaliwanag ko na sa kanya lahat.

"So... You... Want me... To... Help you?" binaba na niya ang pliers na hawak.

I nodded while pouting.

Nakapamaywang niya akong sinuri.

"Saan ba kayo pupunta kung sakali?"

"Hmm... Dun beach sa Dipaculao?"

His eyebrows arched. "Saan yun?"

"Somewhere around Aurora province, Kuya. Bago pa lang so..."

Magkasikop at nakababa ang mga kamay ko habang nakatingin sa kanya. I know him. Konting kibot na lang at papayag na rin 'to. He's strict but I have my ways. Kung alam lang siguro to ni Kuya Ken baka hindi ko na kailangan pang mamilit at papayag agad. Unfortunately this something that I can't just tell him.

Matagal pa siyang nag isio bago muling nagsalita.

"Hindi ba iyan makakapag hintay hanggang matapos ang wedding anniversary nila mamu?"

Umiling ako. Ang tagal pa nun!

Bumuntong hininga siya. I knew it. Konting kalabit na lang at talaga papayag na si Kuya. I'm smiling like an idiot while waiting for his answer. Ngumuso lang nang tinalikuran niya ako at muli may kinumpuna sa sasakyan. Ilang segundo ko siyang pinanuod na nagkakalikot doon hanggang sa huminto siya. Binitawan niya iyong screw driver at tsaka itinuko ang dalawang kamay sa gilid ng sasakyan at tila nag iisip.

"Bakit hindi si Xander ang kumausap sa akin katulad ng nakaraan?"

Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

"Sabi ko ako na lang..." nalilito kong sagot. Why do I sense indifference in his voice.

Natahimik ulit siya.

"Anong gagawin kong palusot kila mommy?"

Gusto ko nang tumalon pero pinigilan ko. I bit my lip to stop myself from smiling wider.

Pero oo nga. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko kaya ako nang hingi ng tulong sa kanya.

"I don't know... kaya ako nanghigingi ng tulong sayo..."

He sigh again. Tumuwid siya sa pagkaka tayo.

"Kakauspin ko si Xander. Pumasok ka na. Sabihin mo na lang kay mommy sa autoshop ako pupunta," aniya at tinalikuran na ako.

Dumating si daddy at kuya Ken. Nag dinner kami at wala dun si kuya Marcus. At buti na lang nabilinan ako kung ano ang isasagot ko kung hahanapin si kuya dahil nagtanong si mommy nang nasa hapag kami.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now