Kabanata 21

32 1 1
                                    

Kabanata 21

Confession

"So..."

Tahimik kaming sumakay sa sasakyan niya. Iyon ngang ginagamit niya pang karera ang sasakyan namin at enough lang para sa dalawang tao iyon.

"Anong uunahin? Gown mo muna?" tanong niya bago paandarin ang sasakyan.

Sumulyap ako sa kanya. I feel so uneasy while he looks so jolly today. Ganito na siya lagi kasigla mula ng gabing iyon. At ako naman mas naging mailang.

"U-unahin na lang muna natin yung sa gagawin mo..." Sumulyap ako ulit sa kanya.

"Natin. Hmm..." Bulong niya.

He then held the stick.

"H-ha?" tanong ko dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya. Nangingiti naman siyang umiling.

"Wala." aniya. Kasabay nung ang pag abante na ng sasakyan.

Nakarating kami sa kung saan madalas din magpacheck up ng sasakyan si Kuya Marcus. It's an hour drive from the City but when you're with Xander or any of the boys in the Family, 15 minutes can be automatically reduced from the expected time. Mayroon namang branch sa Cabanatuan pero mas gusto talaga nila na dito na mismo sa main branch sa Bongabon pumunta.

Xander went out first. Ilang lalaki agad ang lumapit sa kanya. Karamihan ay may kulay itim na kung ano sa kamay at madungis ang suot na shirt. May isa namang lumapit na mukhang hindi nagla-labor work.

Nakipag kamayan si Xander sa lumapit at saglit na nakipag usap. Sinulyapan ako ng lalaki. Hindi tinted ang mga salamin kaya kita agad kung sino ang nasa loob. Itinuro ako ng lalaki kaya sinulyapan rin ako ni Xander bago umikot at pinuntahan ang pintuan ko. Binuksan niya iyon at pinababa ako. Nang isarado niya iyon ay agad niya rin akong hinarap.

"Sandali lang 'to. Doon ka muna sa loob," si Xander at itinuro ang mukhang office ng talyer na ito.

Glass window ang naroon pero hindi kita ang loob. Tumango ako sa kanya.

"C'mon. I'll escort you," aniya. Tumango siya sa lalaking kausao niya bago hinawakan ang siko ko.

Bolta-boltaheng kuryente agad ang nadama ko kaya agad ko rin iyon binawi. Nagtaas ng kilay si Xander dahil sa ginawa ko kaya nag iwas ako ng tingin at nauna ng maglakad.

Ilang mga ginagawa at mga pinipinturahan na sasakyan ang nadaanan namin. Most of the men who does labor work greeted Xander. Normal na asaran lamang ang ibinabato sa kanya at alam kong nasa likod ko lang siya. Natatawa ako sa iilang sinasabi sa kanya pero sa huling bumati ay halos mapahinto ako sa narinig.

"Sino yan, Xander? Iyan ba yung sinasabi ni boss Titus na girlfriend mo raw?"

May ilang nagtawanan. Kahit na yung nagtanong ay tumawa rin. Hindi ko agad narinig na sumagot si Xander ng katulad sa mga naunang bumati at kumausap kaya binalak ko sanang lingunin siya. Nang huminto na ako ay agad na may kamay na lumapat sa likod ko at marahan akong tinulak ulit para umatras. Tumigil sa pag tawa ang nagtanong bago nangingiting umiling at tumalikod.

What was that? Girlfriend? Sabi niya wala siyang girlfriend? Is it Penny? And who's Titus? Ang pagkawala ko sa wisyo at kaba ay napalitan na naman ng inis. I'm so caught up with the rumors about Xander's women. Kahit na sa karatig bayan ay nakaka abot?

Xander pushed the glass door in front of us. Pumasok ako roon ng kasunod ko siya. Tahimik at pilit na kinakalma ang sarili. I shouldn't mind that. Wala dapat akong pake. I know his ways so I shouldn't bother me.

"Dito ka muna-"

"I'll be fine. Lumabas ka na," sabi ko ng di siya nililingon.

Nilibot ko muna ang mata ko sa paligid. White walls and white tiles. Halos ng mga gamit ay puti. Kahit ang office table at sofa ay puti rin. There'e a computer set in the office table and a a black cabinet beside it. Mayroong center table sa harap ng sofa at sa di kalayuang parte ng kwarto ay may flar screen TV din.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now