Kabanata 3

59 3 0
                                    

Kabanata 3

Lungkot

Sa emergency room na ako dinala. Mahapdi at alam kong medyo mamalim ang sugat ko pero malakas ang tolerance ko sa physical pain kaya natitiis ko naman.

Ako lang ang patient dito. Tatlong nurse lang ang nandito ng dumating kami. Isang matangkad, slender at magandang nutse ang nag asikaso sa akin. Yung dalawang nurse naman ay nasa malayong banda ng kwarto at kanina pa mga nakabungisngis habang kausap ang kasama ko. At parang masaya rin naman si Xander habang nakikipag landian sa mga babae. Boys!

Kahit itong nurse na nag aasikaso sa akin ay halos hindi maialis ang mata kay Xander. Sinabi na nga ba at hindi magandang siya pa yung nagdala sa akin dito e. Hindi ko naman na pinansin ang nurse pero ng hindi niya namalayang nadampian na niya ng bulak na may alcohol ang mismong sugat ko ay napapikit ako sa hapdi.

"A-aray," ngumiwi ako at tsaka napapikit. Napaka hapdi!

"Ay ma'am, s-sorry," aniya at natarantang ibinaba ang bulak.

Lumingon sa akin si Xander. Nang nakita niya ang pag inda ko sa sakit ay agad naman siyang naglakad papunta sa akin pero tinapunan ko siya ng masasamang tingin. Kung lalapit pa siya e hindi na makakapag focus ang nurse sa sugat ko. Bakit ba kasi siya ang kasama ko?

"Diyan ka lang," masungit kong sinabi.

Huminto naman siya pero isang metro na lang ang layo niya sa akin. Kumunot ang noon niya sa ginawa ko pero hindi ko na siya pinansin.

"Nurse, be careful, please," aniya sa nurse.

Napabaling naman ang nurse sa kanya at tsaka ngumiti. Umirap lang ako. Isa pang kapalpakan nito ipapainom ko na sa kanya tong alcohol na nasa tabi ko ng nakita niya.

Inumpisahan ulit ng nurse ang pag linis sa sugat ko. Marami kasing dugo ang natapon kaya ang iba ay natuyo na. Hindi na siya ganon kadalas sumulyap kay Xander at mukhang nag fofocus na sa ginagawa. Showing off, eh?

Bumaling ulit ako sa dalawang nurse na hanggang ngayon ay nakatingin lang kay Xander habang nagbubulungan. Seriously?

Nakatingin lang sa akin si Xander at hindi umiimik. His expression is serious but he's eyes are telling me that he's concern. At bago iyon para sa akin. Sabi niya kanina nag aalala rin siya sa akin. Totoong pag aalala naman kaya iyon?

Kanina ay siya na ang sumagot sa form na dapat ako ang gagawa dahil concious naman ako. Kanang kamay ko ang may sugat kaya hindi ako makapag sulat. Hindi na ako nagreklamo pa tungkol don dahil hindi ko rin naman magagawa ng ako lang.

Natapos ang nurse sa paglilinis at ngayon ay lalagyan na ng bandage. Muli na naman ang pasulyap sulyap sa kanya ng nurse habang inaayos ang bandage ko kaya ang bagal tuloy matapos. Aba hindi kami mabibilis kung hindi niya titinuan.

Binalingan ko ulit si Xander at nagtama ang tingin namin pero umirap ulit ako. Kanina nakita kong inirapan ako ng isa sa dalawang nurse na kausap niya ng iwan sila ni Xander. Nairita tuloy ako sa mga nurse ng ospital na to. Papasabugin ko to pag nainis nila ako e.

At dahil hindi ko naman sila masasapak pati itong nurse na to na ayaw ayusin ang ginagawa e nakaisip ako ng paraan para mainis sila. Binalingan ko si Xander.

"Xander, bilan mo ako ng tubig," sabi ko.

"Malamig ba" tanong naman niya agad at humakbang palapit sakin kaya nagulat ako.

"Uh, o-oo," sabi ko at nag iwas na ng tingin.

Mabilis naman tumango si Xander at tsaka lumabas ng emergency room.

Biglang bumilis ang kilos ng nurse sa pag aayos ng bandage ko. Bumusangot na rin ang dalawang nurse at ang isa ay muli akong inirapan. Looks like I pissed her off.

Road to your Heart: Starting line (Book 1 of Road trilogy)Where stories live. Discover now