Introduction

3.6K 107 15
                                    

UNLABELED

(Alone In Baguio)

SEASON ONE


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Malakas ang pagbuhos ng ulan kaya naman hindi ko magawang umuwi nang deretso dahil una sa lahat, wala naman akong sasakyan na p'wede kong gamitin para makauwi. Pangalawa, drained na ang battery ng cellphone ko kaya hindi ako makatawag sa bahay para magpasundo.

Bakit ba kasi sa lahat ng bagay na katatamaran kong dalhin, payong pa?

Pumangalumbaba na lamang ako habang nakaupo, dinarama ang lamig ng simoy ng hangin at hinihintay na tumila kahit na kaunti ang ulan. Almost 9:00 p.m. na pero nandito pa rin ako, kumakalam na ang sikmura sa gutom at pagod dahil sa trabaho.

Napatayo ako nang tumama sa akin ang tubig-ulan na tinangay ng hangin kaya naman lalo akong nilamig. Lumayo ako nang kaonti at muling naupo.

"Wala bang susundo sa 'yo?"

Tumingin ako sa nagsalita sa 'di kalayuan. Nandoon ang pamilyar na lalaki na alam kong nagtatrabaho sa kabilang building lang malapit sa amin. Sa pagtawid pa ang workplace niya pero bakit nandito siya sa tapat ng building namin?

"Ha? Ah, wala." Nag-iwas ako ng tingin.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko. Tinanggal ko ang salaming suot at pinunasan nang mapuno ito ng mga talsik ng tubig ulan. Hindi na rin ako makakita nang maayos dahil nagmo-moist na ito dahil sa malamig na hangin.

"Bakit naman? Magpasundo ka na, masyado nang malalim ang gabi, oh?"

Ngumiti na lamang ako sa kan'ya bilang tugon, dahil hindi talaga kaya ng confidence kong makipag-usap sa taong hindi ko naman talaga kilala. Muli kong isinuot ang salamin at umupo na nang maayos habang pinanonood ang pagpatak ng mga ulan.

"Tagal mo na d'yan, 'no?" tanong niya ulit.

Napalingon ako nang nagtataka. "Saan? Dito? Ahh, oo—"

"I mean, sa trabaho mo." He smiled.

Bahagyang umawang ang bibig ko. "Ahh, ilang buwan pa lang naman pero balak ko rin magtagal. Masaya kasi magtrabaho dito."

Umihip ulit ang malakas na hangin kaya naman muli akong nilamig. Napakaskas ako sa braso dahil medyo nabasa na rin ako kaya nakakaramdam na talaga ako ng panlalamig.

"Sabagay. Kahit naman ako, gugustuhin kong manatili kapag masaya ako sa trabaho."

Ngayong nakaupo siya sa tabi ko, nakita ko na may hawak siyang payong na basa na rin, pero hindi niya ginagamit ngayon. Sa halip, naghihintay rin siya dito sa lugar kung nasaan ako.

"Paano mo nalaman na dito ako nagwo-work?" curious kong tanong.

He smiled. "Lagi kitang nakikita, eh. Madalas akong bumili sa store n'yo, pero hindi ko alam kung namumukhaan o nakikilala mo ba ako ngayon," paliwanag niya.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon