25

472 32 6
                                    

     

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

     

Tulad nga ng sinabi ni Archie, ng best friend ko, hindi naman sigurado na ako talaga 'yung dahilan kung bakit siya bumalik. Baka naisipan niya lang bumalik out of the blue kasi nasanay siya sa buhay na mag-isa dito sa Zambales kaya binabalik-balikan niya.

Asa naman ako na ako talaga 'yung rason, 'di ba?

He did not constantly contact me. It's been a month, at masasabi ko lang na hindi na kami tulad ng dati na palaging magkausap, laging nagkikita, nawala na rin 'yung pagtawag niya sa akin ng baby and most importantly...pakiramdam ko, basta magkakilala na lang kami.

Parang acquaintance na lang kami.

Nawala lahat ng dating mayroon kami.

Nawala 'yung sweetness, 'yung pag-aalala, 'yung... 'yung saya.

Wala na.

Gian:

Good morning :)

To Gian:

Good morning din

Gian:

Kumain ka na?

To Gian:

Hindi pa, e

Gian:

Kain ka na, may pasok ka pa sa work, 'di ba? :)

Gusto kong umiyak pero ang babaw na ng dahilan kung iiyakan ko pa itong simpleng bagay na 'to. Hindi naman ito ang unang beses na ipinaramdam sa 'yo ni Gian na hindi na ikaw ang baby niya, 'di ba? Dapat, hindi ka na naiiyak ngayon, Mary.

I tried to remind myself for so many times, na hindi lahat ng bagay na nakasanayan mo, mag-i-stay, o babalik. Tulad na lang ng dating mayroon kami ni Gian.

Umalis siya, nawala siya. At kasabay ng pagkawala niya ang pagkawala ng saya na mayroon kami noon.

To Gian:

Ikaw rin kain na

Gian:

Done :)

Kinagat ko ang ilalim na labi ko upang mapigilan na makaramdam ang sarili ng kahit na ano na hindi naman na dapat maramdaman.

The following days, I tried to be comfortable with him. I randomly told him stories about everything, kahit na alam kong hindi naman na dapat kasi hindi naman na tulad ng dati.

Sinusubukan kong ibalik ang dating mayroon sa amin... 'yung saya, 'yung pagiging kumportable sa isa't- isa... 'yung pagiging interesado sa isa't-isa...baka kasi sakaling...bumalik 'yung dating kami.

Alam kong sinabi ko noon na hindi na ako mauulit sa tulad ng dati...na hindi na ako magiging tanga ulit sa kan'ya. Pero heto ako, parang tanga na pilit ibinabalik ang dating mayroon kami...kasi hindi ko kayang maging normal na magkaibigan lang kami. Nagsimula kami na siya ang nagpapakita sa akin ng motibo...na may gusto siya sa akin.

Unlabeled [Baguio Series #1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora