06

653 50 5
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nang matapos, iniligpit niya ang mga pinagkainan namin at inilagay sa paper bag.

"Kuhanin mo na ang vest mo. Dito na lang tayo sa jacket ko maupo," sabi niya habang pinapagpag ang long sleeve polo niya.

Tumango na lang ako at kinuha ang vest at ginawa ang sinabi. Malaki naman ito, hindi naman siguro kami magsisiksikang dalawa rito. Ilang sandali lang din, naupo siya sa tabi ko ngunit may kaunting espasyo. Napalunok ako ro'n.

"Nakapunta ka na rito?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman." I laughed.

"Sinong kasama mo?"

I pursed my lips. "Mga kaibigan ko madalas kong kasama rito. Mga college friends."

"Hmmm . . . boyfriend?"

Napalingon ako sa kan'ya nang banggitin niya 'yon. I laughed. "Wala akong boyfriend, Gian."

He laughed. Ang tingin ko, parang namula siya pero hindi ko masiyadong makompirma dahil madilim. "I suddenly love my name," he whispered, laughing slightly. Napakunot-noo ako. "Anyway, naging boyfriend?" dagdag na tanong niya pagkalingon sa akin.

Ibinalik ko ang tingin sa dagat na humahampas ang alon sa dalampasigan, kasabay ng malakas na ihip ng hangin. "Nagkaroon, pero hindi kami nagpunta rito."

"Hmm, am I the first?"

I laughed as I looked at him. "What first?"

"First man to take you here." Ge chuckled. Nag-init pa ang mukha ko sa paggalaw ng lalamunan niya. "Am I?"

Umiling ako. "I used to be here with my best friend, Archie."

"Kayong dalawa lang?" Lumingon ako sa kan'ya saka tumango. Nakita ko ang dismaya sa kan'ya. "Sino 'yung . . . Archie?"

"Best friend."

"Oh . . . is he attracted to you, perhaps?"

Tumawa ako nang malakas. "Hindi, 'no! Ang labo! Hinding-hindi mangyayari."

"Tss. 'Yan ka na naman, eh."

I smiled. "Hindi talaga. Magkapatid lang ang turing namin sa isa't isa. Suportado namin ang mga babae at lalaking pumapasok sa buhay namin." Tumingin ako sa kan'ya. "At hindi ako naa-attract sa isang malapit na kaibigan."

"Hmmm . . ." He chuckled. "Buti na lang."

Tumawa ako. "Bakit?"

"Hindi ako malapit na kaibigan, Mary, ah?" he said as he looked at me. Tumawa ako. "Hindi ako malapit na kaibigan."

Tawa ako nang tawa noong sinabi niya 'yon kaya naman pati siya, natawa na lang din.

"Anyway," he suddenly said as he moved closer to me. Napalunok ako sa kaba. "Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now