22

417 27 9
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

NANG hindi na ako sumagot, at nang mapakalma na nila ako mula sa pag-iyak, ay sinabing iuuwi na nila ako. Pero hindi ako pumayag dahil ayokong umuwi nang ganito. Kailangang alisin ko ang tama ng alak sa akin bago ako umuwi. Nagpaalam naman akong mali-late ng uwi dahil nga lalabas kami. Siguro naman ay hindi na 11 ang curfew hour ko.

Nanatili lang akong nakaupo at nakasandal sa upuan ko, pinipilit na maalis ang tama at amoy ng alak sa akin. Habang nag-i-scroll sa Facebook newsfeed ay nakita ko ang pangalan niya. May nag-tag ng Facebook Memory sa kaniya noong bata pa sila ng kapatid niya.

I clicked his name and tried to view his timeline. Wala siyang bagong share pero nakita ko ang reaction niya sa post na naka-tag sa kaniya. Nag-heart siya dito. Nakita ko rin na active now siya, kaya sigurado akong hawak niya ang cellphone niya ngayon.

I browsed for his number on my contact list and called it. Inilagay ko ang cellphone sa tainga ko at hinintay na sagutin niya ang tawag ko.

Pero natapos na ang pagri-ring, hindi niya pa rin sinagot.

Ngayon lang naman ako mangungulit kasi ngayon lang malakas ang loob ko. Ngayon ko lang naman gagawing desperada ang sarili ko para sagutin niya ang tawag ko. Hindi naman siguro masama, 'di ba?

Sinubukan ko siyang tawagan nang ilang beses, pero sa dami ng missed calls ko, walang kahit isa siyang isinagot doon. Sumakit at bumigat na naman ang nararamdaman ko nang makita ko kung gaano karami ang missed calls ko sa kaniya at wala siyang pinansin doon kahit na isa.

My tears silently fell from my eyes as I stared at the screen of my phone. I typed a message to him.

To Gian:

:)

***

Kinabukasan ay hindi ako nakapasok sa trabaho. Dahil nga opening ang schedule ko ay hindi ako nagising nang maaga at sobrang sama ng pakiramdam ko. 8:00 AM nang magising ako at nabasa ko ang text ng manager ko na huwag na rin muna akong pumasok bukas dahil suspended ako sa pag-AWOL ko.

Sobrang dami na ang naaapektuhan sa mga nararamdaman ko ngayon. Sobrang mali na. Sobrang hindi na ako 'to.

It's so nice to know how a person can change you in a short period of time; but not so nice to know that the person can change you into the worse person than you were before.

Anong ginawa mo sa akin, Gian?

Gising ako, at hindi lang ako bumabangon dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napipigilan ang pag-iyak sa tuwing maaalala ko kung gaano ako ka-gaga para magka-ganito para sa isang lalaki, at kung gaano ko siya nami-miss kahit na alam kong mali na...hindi na tama.

Ilang sandali pa ay may pumasok sa kuwarto. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Mama na may dalang tray na may lamang bowl at baso. Ngumiti siya sa akin nang makita akong gising na.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now