27

434 26 8
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

"Oh, G-Gian..."

He smiled. "Hi."

Just by hearing his voice, just by standing in front of him makes my knees go weak. My tears are starting to pool on the corner of my eyes, but I am trying my very best to hold it back...to not let my tears fall. He can't see how weak I am in front of him; how affected I am by his presence.

I smiled. "A-Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko kayang hindi pansinin ang napakabilis at napakalakas na tibok ng puso ko ngayong nasa harap ko siya. Hanggang kailan 'to? Hanggang kailan ako magkakaganito sa kan'ya?

"Ahh, pansin ko kasi na ilang araw ka nang wala sa trabaho. Akala ko nga absent ka ngayon, eh."

Wow, talagang pati sa bagay na iyon ay interesado siya? Para saan? Can he just stop? This is making it harder for me to go on.

"Ahh, 'yon ba?" I laughed. "Nasuspinde kasi ako, eh. Pero okay naman na, tapos na ang suspension ko."

Nag-iwas ako ng tingin at ilang beses na huminga nang malalim dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba...sa sakit ngayong kaharap ko siya.

"Bakit ka raw na-suspend?"

Bakit ba tanong pa siya nang tanong? Can he just...not care? Since he never really cared, right? Or that...he stopped caring, at the least.

"Wala naman. Basta." I chuckled. "Bakit mo nga pala alam na wala ako sa trabaho?"

"Pumunta kasi ako kahapon at noong isang araw. Kaso wala ka."

"Bakit mo naman ako hinahanap doon?"

Hindi ko alam kung bakit tanong ako nang tanong. Dahil ba may hinahanap akong sagot? Dahil ba may inaasahan akong marinig ngayon?

At bakit siya tanong nang tanong? Bakit ba interesado siya? Bakit ngayon pa?

"Mahal mo trabaho mo, eh. Hindi kasi ikaw 'yung taong a-absent nang ganoon, 'di ba?"

Tumango na lang ako, at hindi na nagsalita dahil ayoko nang magtanong. Baka sumo-sobra na ako. Baka may malaman pa ako na hindi ko dapat malaman.

"Uhm, noong...noong isang gabi, noong uminom ka..."

Napaiwas ako ng tingin nang marinig ko 'yong mga unang sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at naging triple ang kabang nararamdaman ko ngayong kaharap ko siya. Mabilis akong nagsalita para pigilan siya sa kung ano man ang gusto at balak niyang sabihin.

Hindi na... tama na. Nakuha ko na 'yung sagot ko. Hindi ko na kailangan ng salita niya.

"Ahh...oo. Nagka-ayaan kasi ang mga katrabaho ko dahil payday. Nag-enjoy lang naman kami..." pagputol ko sa kaniya dahil ayoko na sanang bumalik pa sa mga tanong ko noon.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now