02

1.1K 65 25
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I never let anyone know what I did a few weeks ago, lalong-lalo na kay Archie. Sigurado akong pagtatawanan at babatukan niya lang ako once malaman niya yung kagagahan ko.

It's been a month . . .

It's been more than a month since I went to that damn building. Hindi ko na sana ginawa kung tatalikuran ko lang din. Napabuntonghininga na lang ako.

"Frenny, bayad daw."

Napatingin ako sa katrabaho nang magsalita ito at mabilis na tumakbo papunta sa counter.

"Magandang umaga po!" masiglang bati ko bago tingnan ang customer Pero muntikan na akong mapaatras nang makita siya, kasabay ng napakabilis na pagtibok ng puso ko. "Oh, G-Gian . . ."

Halos dalawang buwan na ang nakalipas simula noong gabing 'yon at ito ang unang beses na nakita ko siyang muli dito sa store.

Hindi ko rin inaasahan na magkikita kami ulit matapos ng katangahan kong 'yon, kahit na alam kong nand'yan lang naman siya sa pagtawid. Hindi rin naman kasi gaanong nagmarka ang presensya niya sa akin sa totoo lang, though naging masaya ako sa unang beses na nagkausap kami ng gano'n katagal at kalalim.

Halos sakalin ko ang sarili sa pilit na iniisip ko ngayon.

Hindi nagmarka, Mary? Talaga ba? I almost laughed at myself. Okay, fool yourself more, woman.

"Magandang umaga rin, Mary. Kumusta?" maganda ang mga ngiti niya.

Napalunok ako nang marinig muli ang pangalan sa kan'ya. Kilala niya pa ako . . .

"Ahh, o-okay lang naman." Iniwas ko ang tingin sa mga titig niya saka kinuha ang mga pinamili na nasa ibabaw ng counter. "Okay na po ba ito?"

"Oo, okay na."

"Wala nang idadagdag?"

"Wala na."

Sinimulan ko nang i-punch ang mga pinamili niya nang hindi nagtatapon ng tingin sa kan'ya dahil sa tuwing ginagawa ko 'yon, kumakabog ang dibdib ko nang sobra. Ramdam na ramdam ko rin ang mga tingin niya sa akin at sa hindi maipaliwanag na dahilan . . . kinakabahan akong lalo.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, bago sa akin ang makita siya dito. Dahil ba halos dalawang buwan na ang nakalipas simula noong gabing 'yon at ang totoo ay nagmarka pala talaga sa akin nang sobra ang presensiya niya?

"Bakit mukhang kinakabahan ka, Frenny?" tanong ng katrabaho ko.

"Ha?" Napalingon ako kay Neil na may mapanukso tingin. Nag-iwas ako ng tingin. "Ah, h-hindi naman . . ."

Tumingin ako kay Gian na nakatingin pa rin sa akin, bahagyang nakangiti. Pinilit ko na lang na hindi siya pansinin at itinuon ang atensyon sa trabaho. Nang matapos kong i-punch ang lahat, ni-total ko na ang amount ng mga pinamili niya.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now