49

522 27 18
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

"You're ridiculous!!!" bulyaw sa akin ni Tori nang matapos kong ikuwento ang paghihiwalay namin ni Travis, halos isang taon na ang nakakaraan. "I didn't travel from Baguio to Zambales just to hear that, Mary!"

Nandito kami ngayon sa Marikit Park. Inihatid lang namin sa bahay namin ang mga gamit niya dahil doon siya mag-i-stay for the whole week na nandito siya, at gusto niya ay sa tabi ko matulog. Hindi pa siya nakakapag-pahinga ay nag-aya na kaagad siyang lumabas.

Nagkibit ako ng balikat. "It's been almost a year. Move on ka na," I laughed.

Inirapan niya lang ako bago naupong muli sa tabi ko. "You're wasting the time and chance to be with each other! I mean, anong point nitong paghihiwalay and all kung ang balak niyo naman pala ay magbalikan after years?"

I sighed. "Feeling ko lang hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko," I said. "Tingnan natin kung hahanap-hanapin ko ba siya after the years that we're apart."

Umirap siya sa akin. "Tss! Nakakainis ka, gusto kitang sabunutan!" I laughed. "I don't really see your point..."

I pursed my lips. "You'll never see my point, Tori. You're full of self-confidence; I am not. Natatakot lang talaga akong baka nabibigla siya sa mga sinasabi niyang sigurado na siya sa akin, na ako ang huli niya, na sa akin siya magse-settle. What if magbago ang isip niya? I gave us this space so he can think about it. Ayaw kong pag-isipan niya 'yon habang may relasiyon sa akin. Ayaw kong magbago ang isip niyang hindi na pala ako habang ako ang girlfriend niya."

Bumagsak ang dalawang balikat niya habang bahagyang nakanguso. Tumingin siya sa akin.

"Understanding the point of view of a pessimistic and a doubter friend... okay. I got your point," she sighed. "But... ikaw? Are you sure with him?"

I smiled as I felt my eyes heated. "Akala ko noon, hindi. Pero noong nawala na siya at pinili naming alisin ang communication sa isa't-isa, as in, zero talaga, doon ko napagtanto... ahh, sigurado na pala ako, hindi lang ako sigurado."

She laughed. "What?! I don't fucking get it."

Tumawa ako at umiling na. "Wala," I sighed. "Do you want to meet Gian?" I asked.

"Hmm... sa ibang araw na lang. You two are okay naman, 'di ba?" she asked. I nodded. "Hayaan mo siya, ah? Huwag ka nang ma-guilty sa ginawa mo. It's the right thing to do. Huwag kang ma-guilty na hindi pa naka-move on 'yon. May mga maling desisyon lang talaga tayo sa buhay, at nagkataon na ang gaguhin ka ang pinakamalaking pagkakamali ni Gian, na hindi na niya puwedeng itama pa."

I pursed my lips. I don't really care about what happened before anymore. I'm okay now. We're friends and sometimes, we hang out like friends but I already drew a line between us. We can't be any closer than that.

"But, that mistake that Gian made is actually worth it for you," she said, nodding. She looked at me. "Natagpuan mo si Travis on your healing process," ilang sandali lang ay tumingin siya nang masama. "Tapos pinakawalan mo. Gaga!"

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now