16

491 31 16
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

I still remembered his voice when he said the words that made me hold on to him tighter.

He says he loves me.

Masama ba kung sasabihin kong...gusto kong maniwala? Kasi naramdaman kong totoo 'yun, eh.

Masama ba kung sasabihin kong...gustong-gusto kong maniwala kasi siya mismo ang nagsabi? Kasi, sa sobrang pagtitiwala ko sa kaniya, gusto kong paniwalaan ang lahat ng sasabihin niya sa akin...kahit na hindi na ako sigurado kung dapat ko pa bang paniwalaan ang lahat.

Kasi minsan, sa sobrang ganda sa pandinig, nakakapag-dalawang-isip na.

At, masama ba kung sasabihin kong gusto ko ring sabihin iyon pero hindi ko magawa, kasi natatakot ako?

Natatakot ako na baka hindi pa pala ako sigurado...baka masiyado pang maaga para sabihin ko ang mga salitang iyon sa kan'ya. Baka... baka masiyado pang maaga para tuluyang sumugal.

Pero gusto ko na...

Masama ba kung gusto kong sumugal ulit sa kaniya?

Masama ba kung...kung hahayaan ko ang sarili kong tuluyang mahulog sa kaniya at sa mga salita niya?

"Ikaw, sa tingin mo, dapat bang paniwalaan?" tanong pabalik sa akin ni Archie matapos kong maikwento sa kaniya lahat.

Pumunta ako sa bahay nila in the middle of the night para lang itanong ang lahat ng tanong sa isip ko at ikwento sa kaniya ang lahat. Nagpaalam naman ako ngayon, at nagpahatid ako kay Papa.

"Gusto kong maniwala, eh."

"Gusto mong maniwala, pero ayaw mong bigyan ng relasiyon ang isa't-isa. Mary, lumalalim na 'yung mayroon kayo. Hinahayaan mong halikan ka niya, umuwi ka ng late at hindi nagsabi sa mga magulang mo. Sinabihan ka niyang mahal ka niya. Kung naniniwala ka naman pala sa kaniya, ano pang ikinatatakot mo?"

Ano nga ba?

"Ano pa bang ikinatatakot mo sa pagpasok sa relasiyon kasama siya kung naniniwala ka naman pala sa kaniya?"

"Hindi ko naman sinasabing naniniwala na talaga ako. Paano kung hindi pala totoo 'yon?"

Itinaas niya ang paa sa center table nila at inilipat ang channel ng TV, kasabay ng mariing pagkamot sa ulo niya na para bang inis na inis na siya.

"Mary, alam mo, sa totoo lang, nakaka-pikon na 'yung pagiging magulo mo." Iritang sabi niya na nagpatawa sa akin. "Ano ba kasi 'yung talagang nararamdaman mo? Naiinis na ako, ha. Tang ina..."

Napahagalpak ako ng tawa sa kainitan ng ulo niya. "Gusto ko ngang maniwala sa kaniya."

"So, anong pumipigil sa 'yo?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at yumuko, tsaka tinuon ang pansin sa mga kuko kong nagki-kiskisan bago nagsalita.

"'Yung sarili ko. Sa tingin mo ba...totoong mahal niya ako despite me being this?" Ilang sandali lang ay may tumama sa ulo kong unan. "Aray ko naman, Archie!"

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now