17

398 26 2
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Nang matapos ang trabaho ko ay nag-text kaagad ako sa bahay na mali-late akong umuwi dahil lalabas ako kasama ang katrabaho ko, since alam naman nila noon na tuwing payday, or pay week, lumalabas kami.

Nang makalabas ako ng building ay nakita ko siya ro'n na nakaupo sa motor, naninigarilyo. Ngumiti siya nang makita ako at inubos ang sigarilyo, tsaka tinapon ito, bago lumapit sa akin. Mabilis niya akong niyakap nang mahigpit, at naamoy ko sa kan'ya ang magkahalong amoy ng pabango niya at usok ng sigarilyo.

"I'm sorry," he said as he kissed my temple.

Tumango ako bago siya niyakap pabalik. "I'm sorry too. I didn't know."

Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko, pinagsasalikop ang mga daliri namin. Nakita ko pa ang ngisi ng guwardiya ng building na minsan ay nakakabiruan ko kapag maaga akong pumapasok. Ngumiti lang ako sa kan'ya.

"Let's go."

Tumango ako at nagpahila sa kan'ya papunta sa motor niya. Inilagay niya sa akin ang helmet, katulad ng dati, at pagkatapos ay sumakay siya sa motor at nagsuot na rin ng helmet. Sumakay ako sa likod niya at yumakap sa kan'ya nang mag-start na siya ng engine. Nagsimula na siyang mag-drive papunta sa apartment niya.

Nang makarating kami ro'n ay ako na ang pinagbukas ng apartment niya para mai-park sa loo bang motor niya. Nang makapasok siya ay isinarado ko na ang gate at lumapit sa kan'ya. Umakbay siya sa akin at sabay kaming pumasok sa loob.

Nakita ko ro'n ay may nakahandang pagkain na. Mukhang nagluto pa siya bago ako sunduin, ah?

"Wow, may pagkain na," I said happily as I put down my bag.

"Siyempre, I'm sure my baby's tired by now," he said as he hugged me from behind. I chuckled. "Let's eat."

Naghila siya ng upuan at doon ako naupo, bago siya naupo sa harap ko. Nilagyan niya ng kanin at plato ko at ng beef steak na niluto niya, tapos ay sinalinan ng orange juice ang baso ko.

"Thank you."

Ngumiti lang siya bago sinalinan ang sariling plano ng pagkain. Pagkatapos no'n ay nagsimula na kaming kumain habang nagku-kuwentuhan. Kinumusta niya ang araw ko, at ang mga ginawa ko sa trabaho, at ganoon din ako sa kan'ya.

"By the way, did you find another job?" I asked.

Nagkibit-balikat siya. "Wala pa rin," he chuckled. "Ang hirap. Sorry, baby. Baka isipin mo, hindi na ako worth it."

Napasimangot ako ro'n. "Why would you say that? Of course, not. Makakahanap ka rin ng trabaho. Tiyaga ka lang." I smiled at him.

"Thank you, Mary," he said, smiling at me. "I want to be worth it again..."

Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. "You're still worth it. It's not like you did me something wrong, or unforgivable," I laughed. He smiled at me.

"Mary, I love you."

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon