01

2K 78 17
                                    


¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


Para sa akin, sobrang dalang ng pagkakataon na maka-encounter ng stranger na gano'n ang gagawin sa 'yo. Maaaring alam namin ang workplace at kilala namin ang isa't isa sa mukha, but the fact that it was our first conversation after so many months of knowing each other's faces, sobrang gaan pala sa pakiramdam.

May biglang pakiramdam na gusto mo na lang magtiwala ulit sa humanity . . . na hindi pa talaga patay ang chivalry. Na dahil sa maliit na bagay na 'yon . . . nagkaroon ka bigla ng pag-asang may magbabago at marami pang katulad niya sa mundo.

Yung kahit gaano ka hinuhusgahan ng tao dahil lang sa mga bagay na hindi nila gusto sa pisikal na anyo, biglang magbabago ang tingin mo sa kanila dahil may mga tao pa rin talagang hindi tulad nila . . . na mas pipiliing tulungan ka sa kabila ng lahat ng panghuhusga nila sa 'yo.

Well, huwag lang sanang ma-jinx.

A few days have passed since that day, hindi ko na ulit siya nakita. Hindi rin naman siya bumibili sa store. Lagi kong dinadala ang payong na ipinahiram niya sa akin noong gabing 'yon, pero hindi ko naman siya nakikita. Iniiwan ko na lang tuloy sa locker paminsan-minsan dahil nakakabigat lang sa bag kung dadalhin pa palagi.

Minsan, gusto ko na siyang sadyain sa store nila para sana isoli yung payong. Baka kasi kailangan niya. At saka medyo may feeling ako na parang . . . parang gusto ko ulit siyang makita. Hindi na ako magkakaila pa sa sarili ko, kahit na gaano pa karaming rason ang hanapin ko na hindi talaga 'yon ang nararamdaman ko. Ang mananaig lang naman palagi ay gusto ko ulit siyang makita.

Bakit ba ganito nararamdaman ko? After so many years . . . parang naghihintay na naman ako sa isang tao.

After so many years, parang . . . gusto ko ulit maramdaman yung feeling ng may hinihintay sa walang kasiguraduhan.

"Paano kapag biglang hindi nagparamdam ang isang taong . . . minsan na..."

Hindi ko maituloy ang tanong sa katrabaho kong si Neil habang kumakain ng tanghalian. Hindi ko rin kasi alam kung paano dahil ngayon na lang ulit ako magkukwento ng tungkol sa isang tao. I sighed.

"Ano?" tanong niya bago uminom ng tubig mula sa sariling baso.

Bahagya akong ngumiti. "Kunwari . . . may isang tao na . . . stranger." I looked down on my foods as my heart started beating fast. "Tapos, nakausap mo siya that one night . . . and all the talks that you had with that person is very . . . sensical. Tapos . . . gusto mo ulit makita, kaso hindi naman nagpaparamdam."

Kabang-kaba ako at parang nagtatambol ang puso ko sa lakas ng tibok dahil ngayon lang naman ulit ako nagbukas ng usapan tungkol sa ganito. They've known me as someone who's never interested with anyone prior to my past. Tapos . . . biglang gaganito ako?

"Alam mo ba kung saan siya makikita?" Tumango ako. "Eh 'di puntahan mo . . ."

Tumingin ako sa kan'ya at itinuro ang sarili ko. "Ako yung pupunta? K-Kababae kong tao . . ."

Unlabeled [Baguio Series #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora