50

717 36 19
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

Maaga kaming nag-check in ni Tori kinabukasan sa Lighthouse Marina Resort sa Subic. All expense are paid by her kasi sabi niya, ako na nga itong nag-adjust at nag-VL sa trabaho para lang masamahan ko siya sa pamamasyal niya, siya naman daw ang bahala sa gastos.

"Ang laki na ng nagagastos mo, hindi ka ba nanghihinayang d'yan?" tanong ko sa kan'ya nang makapasok kami sa hotel room.

Nagkibit siya ng balikat. "Papa's graduation gift for me is black mastercard since I have everything I need naman na. Wala akong ibang paggagamitan. And marami naman akong ipon. I would buy a car sana but Kuya Vlad gave me a car. At kaya nga ginawa ang pera para gastusin, hindi itago sa bangko."

Natatawang napatango na lang ako. Ang mga mayayaman nga naman.

Naligo siya at nagpalit ng bikini top. Ako naman ay nagsuot ng one-pice bikini na nilagyan ko pa ng short! Tapos pinatungan ko pa ng beach dress dahil hindi talaga ako nagsusuot ng ganito.

Tori laughed. "My God, Mary. Nakakatuwa ka talaga."

Napakunot ako ng noo. "Inaano na naman kita?"

"You're too conservative! Kapag hindi ka na virgin, hindi ka na rin conservative!"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya bago siya hinampas at tinulak palabas ng room. Gusto raw niyang lumangoy agad since nag-breakfast na kami bago kami pumunta rito.

Talaga itong si Tori, dire-diretso ang bibig.

Ilang sandali pa ay tumawa siya. "Alam mo, Mary. Hindi naman sa ano, ha? Pero I can't imagine you having sex," lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Kasi napaka-demure mo! Naku, ang suwerte ng bibinyag d'yan!"

"Tori!"

Tumawa siya nang tumawa bago tumakbo sa dagat hanggang sa lumangoy na siya at sumama sa alon. Sumunod ako sa kan'ya at naglalangoy kami sa dagat. Nag-rent pa siya ng bangka para daw sa sight-seeing niya ng mga turtle at sa mas malalim pang bahagi ng dagat.

Hindi ko naman na-enjoy ang part na iyon dahil malabo ang mata ko. Blur din ang nakita ko kahit nasa ilalim ng tubig.

Nang mapagod lumangoy ay nahiga kami sa magkatabing lounger, parehong nakasuot ng shades, nagpapahinga; dinarama ang singaw ng init at ang pagtama ng hangin sa mga balat namin. Narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga niya. Lumingon ako sa kan'ya.

"Ang sarap ng ganito," she chuckled. "It would be better if..." she sighed. "Wala." she chuckled again.

I smiled as I lie again properly. "Miss mo na si Maverick?" I asked.

She laughed. "Abot-langit ang pagka-miss ko sa kan'ya. 'Yung pagmamahal ko, mas malawak pa d'yan sa dagat na 'yan," she chuckled before heaving a deep sigh. "Kaso may girlfriend na siya."

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Tori has been one of the greatest and strongest friends I have, and hearing her talk like that...hindi ako sanay. She's always bubbly and she says the strongest words ever. Hindi ako sanay na ganito siya.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now