42

455 31 11
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

Nang mag-weekend ay walang pasok sa opisina. Nakakatuwa lang na kahit nasa probinsiya ako ay nakakuha ako ng trabaho na ganoon dahil mas madalas ang ganoon sa Manila kaysa dito. Nag-try akong mag-apply doon at nakapasa naman ng interview, noong hindi pa ako nagta-trabaho sa store. Pero mas naging praktikal lang ako na, kapag nandito ako sa Zambales ay wala akong bahay na babayaran, at matitikman ko pa ang mga luto ni Mama.

Mamayang gabi ay may lakad kami ng mga dati kong katrabaho sa store dahil payday nila. Lagi nila akong iniimbitahan kaya naman kahit ang mga bagong on-probation employees ay kilala ako.

Katatapos ko lang kumain ng miryenda, at kagagaling lang dito ni Travis. Pinauwi ko lang dahil sabi ko ay may kailangan akong kausapin. Tumatawag kasi kanina si Tori at hindi ko nasagot dahil kinakalkal ni Travis ang gallery ko noong nasa Baguio pa ako. Baka may sasabihin.

Knowing Tori, kapag tumawag 'yon, kailangan ilaan mo ang, at least, one hour ng araw mo.

"I'll be back."

"Aalis ako mamayang gabi," sabi ko nang maihatid siya sa sasakyan niya.

"Sama ako," he said.

I chuckled. "Bukas na lang tayo magkita. Ipapasyal kita sa Subic."

"Really?" his eyes were excited. I laughed. "I'll pick you up very early so we can be together all day."

Natatawa akong tumango na lang bago kumaway na sa kan'ya. Pumasok na ako sa loob at isinarado ang gate hanggang sa narinig ko na ang pag-alis ng sasakyan niya. Nakasalubong ko pa si Mama na nanggaling sa loob ng bahay, mukhang maglalabas ng basura.

"Mukhang seryosong-seryoso ang batang 'yon, ah?" nakangising sabi ni Mama. "Boto ako r'yan."

Umirap ako. "Titigil nga din 'yon! Wala pang isang linggo, 'Ma. Magsasawa rin 'yan."

Tinawanan na lang niya ako bago tuluyang inilabas ang mga basura. Pumasok ako sa loob at umakyat papunta sa kuwarto ko. Ni-lock ko ang pintuan at tinawagan si Tori. Mabilis niya itong sinagot.

"Finally, you answered! I hate you, kanina pa ako tawag nang tawag!"

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at tinanggal ang salamin na suot. "Hindi ko hawak ang cellphone ko kanina."

"But you declined! Kaya lang ako tumigil tumawag kasi pinatay mo. Akala ko ay busy ka kahit na alam ko namang day off mo!"

I laughed. Nakakatawa talaga 'tong si Tori. Akala mo naman ay napakatagal na naming magkakilala dahil sobrang close niya sa akin, at nakakatuwa 'yon. I don't mean to discriminate but she's rich to be friends with a commoner like me. I'm happy she's not like anybody else I know.

"Hindi ako 'yon."

"Sino? Boyfriend?Aww, wala na bang pag-asa 'yung na-meet mo sa Baguio?! Well, wala akong pakialam kay fucking Gian because he doesn't deserve you, but I think, that the other Baguio guy deserves you."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now