04

926 53 20
                                    


  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  

Lumabas na kami ng coffee shop nang matapos kumain at naglakad-lakad, dinarama ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap maglakad sa ganitong lugar at ganitong oras. Ang lamig—ang sarap sa pakiramdam.

Aahhh . . . I miss Baguio. Ang tagal ko nang pinaplanong bumalik doon pero hanggang ngayon, plano pa rin.

"Ang dami mo nang nalaman tungkol sa akin," I suddenly said.

He chuckled. "Parang wala naman."

Sumimangot ako bago tumingin nang masama sa kan'ya. "Ang dami na kaya."

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin, dahilan para huminto na rin ako. "Pero mas marami pa akong hindi nalalaman. Grabe ka, eh. Sinusubukan kong buksan ang pahina ng libro mo, pero ang isasagot mo sa akin, I'm sorry at thank you?"

I laughed when I saw his creased forehead.

"Hindi ako open na tao, eh. Sorry."

Humarap ulit siya sa daanan at naglakad. Sumunod na ako sa kan'ya.

"Alam mo yung pakiramdam na inaakyat ko yung walls mo, tapos hindi ako makatawid, hindi ako makapasok sa isip mo, kasi habang umaakyat ako doono, lalo itong tumataas nang tumataas? Nagiging walang katapusang pag-akyat, eh." He laughed.

"Hindi mo naman kasi kailangang akyatin. Sa totoo lang, when someone really caught my attention, my heart, kusa nang natutunaw 'yung walls ko. Naipapakilala ko na ang sarili ko sa isang tao."

"So, I haven't caught your attention yet? Your heart?" he said, looking at me.

Tinawanan ko siya. "Gian, this is just our second time to have this long conversation. Hindi naman gano'n kadali 'yon."

Sumimangot siya. "Bakit ako?"

"Anong ikaw?" kunot-noong tanong ko.

"You caught my attention the first time I saw you."

I scoffed. "Yes, because this is me. Unique, and madalang kang makakita ng ganitong tao," I said, reminding him the things he told me months ago.

"Grabe ka naman, binara mo na kaagad ako do'n!" Tumawa siya nang tumawa. "You know what really caught my attention?"

"Ano?"

Itinuro niya ang mukha ko. "'Yung mata mo. Ang lungkot, eh."

I laughed timidly. "And I hate my eyes."

He sighed. "Bakit na naman?"

"Ang lungkot nga, eh. Kahit nakangiti ako sa litrato, ang lungkot ng mga mata ko. Kung p'wede ko lang papalitan 'to, eh." I laughed.

"'Yung mga malulungkot mong mata, yan yung kumuha ng atensyon ko tapos aayawan mo lang?" He heaved a sigh. "Gusto ko pasayahin yan, eh. Mary, your eyes are your soul. Natural lang naman na maging malungkot ang mga mata mo kung 'yon talaga ang totoong nararamdaman mo."

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon