31

503 33 22
                                    

     

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

     

Another week has passed, hindi pa rin daw umaalis ang lalaking nangupahan sa kuwarto katapat ng kuwarto ko, sabi ni Aling Aba. Hindi ko rin alam kung bakit sinasabi niya pa iyon sa akin, pero siguro ay gusto niya lang nang may makakuwentuhan.

"Mukhang malungkot ang batang iyon," sabi niya habang nagpapalaman ng Ube Jam sa tinapay. Iniabot niya sa akin iyon. "Laging umuuwi nang lasing at kung minsan ay nakikita ko pa na naninigarilyo."

Napatango na lang ako bago kinagat iyon. "Baka po iniwan ng girlfriend," natatawang sabi ko.

Inimbitahan niya ako sa bahay niya dahil maaga na naman daw akong gumising. Tinatanong niya kung saan ako pupunta ngayon. Sabi ko'y base sa itinerary ko, pupunta akong Session Road at doon naman mamamasyal nang maigi.

"Hay, nako," nagbuntonghininga siya. "Marami nang nangupahan sa akin sa gan'yang dahilan. Hindi ko alam kung anong mayroon sa Baguio at iyon ang nagiging takbuhan ng mga taong nasasaktan sa kanilang iniibig," tumawa ito, habang ako ay ngumiti na lang.

Tinamaan naman ako ro'n sa sinabi ni Aling Aba. Pero maganda naman talaga ang Baguio, walang duda. At dito ko nakakamit ang katahimikan na hindi ko nahahanap sa iba.

"Sa tingin ko ay mayaman iyong batang 'yon," sabi ulit ni Aling Aba bago ako binigyan ng hot chocolate. Naupo siya sa tabi ko.

"Salamat po," sabi ko.

"May kotse iyon, hija. Sa edad niyang 'yan ay may sariling sasakyan na siya. Pero bakit kaya nangupahan siya sa isang transient na mumurahin lang? Kayang-kaya niyang mangupahan sa isang hotel, 'no. Panigurado."

Tumawa ako. "Ayaw niyo po ba no'n? May nangungupahan sa inyo?"

"Hindi naman," tumawa siya. "Nagtataka lang ako."

Marami pa kaming pinagkuwentuhan bago ako bumalik sa transient house. Nakita ko ang apat na kabataan na pauwi na yata ngayon sa kani-kanilang bahay.

"Hello po," bati nila sa akin nang nakangiti. "Good morning."

Tumango ako nang nakangiti. "Good morning din," inikot ko ang paningin ko at nakitang naghahanda na silang umuwi. "Uhm, uuwi na kayo?" tanong ko.

Tumango silang lahat. "Opo, Ate," sagot ng isa.

Ngumiti ako. "Ingat kayo."

"Kapag wala nang pasok, mag-stay din ako dito nang matagal, tulad mo, Ate Mary!" sabi nung cute na babae.

Tumawa ako at nakipagkuwentuhan pa sa kanila bago ko napagpasyahang umakyat. Nakasalubong ko ang lalaking nagku-kuwarto sa harap ko. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat.

"Hi po!" rinig kong bati ng mga kabataan sa kan'ya pero wala akong narinig na sagot.

Sungit naman no'n.

Unlabeled [Baguio Series #1]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin