21

434 31 15
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

I can still remember how Gian always say that he can't let me touch a bottle of alcohol. Sabi niya ay habang nasa tabi ko siya, hinding-hindi ako makakatikim ng alak. He won't let me have a taste of it again because he knew that I am just drinking for a very deep reason.

Sabi niya pa ay hindi niya ako bibigyan ng dahilan para uminom ulit, pero nasaan na siya ngayon?

Bandang 8:30 PM nang makarating kami sa isang restaurant. Mahaba ang lamesa at mayroong videoke sa harap. Nakapila sa lamesa ang iba't-ibang flavour ng fried chicken at may mga alak nang nakahanda sa tabi ng bawat plato na nakahanda sa lamesa.

Mabilis silang naupo sa mga upuan at mabilis na kinain ang mga chicken na nakahanda. Bawat ubos ng isang flavour ay may pipindot ng calling bell para tawagin ang waiter at umorder ng panibagong set ng flavour ng manok na iyon.

Nagsisimula na rin silang kumanta sa videoke habang ang lahat ay busy sa pagku-kwentuhan at pagtatawanan. Ang saya nilang lahat...na-miss ko 'to. Ilang buwan akong hindi nakasama sa kanila sa paglabas-labas tuwing suwelduhan.

Pakiramdam ko ay hindi ko tuloy kilala ang mga katrabaho ko dahil ngayon ko na lang ulit sila nakitang ganito kalaya at ganito kasaya. Pakiramdam ko tuloy ay first time ko silang makasama nang ganito.

Ang dami kong na-miss na pagkakataon na ganito, na masaya lang at kinakalimutan ang kung ano mang problema ang mayroon sila, dahil masiyado akong nag-focus sa isang tao na akala ko ay hindi na mawawala pa sa akin.

"Mary, kumain ka, sayang five hundred mo!" sabi ng isang katrabaho ko habang ngumunguya ng pritong manok.

Natawa ako. "Oo, kumakain ako."

Lagi akong kinukuwentuhan ni Neil tuwing lumalabas sila nang hindi ako nakakasama. At nakakainggit minsan, pero hindi ako naapektuhan dahil nasa tabi ko noon si Gian.

Tuwing araw ng suwelduhan ay lagi silang nandito para magsaya, kumanta at magpaka-lasing. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit kinabukasan ay may nali-late o kung hindi naman ay nag-a-absent.

Nagsimula nang mag-inuman ng alak matapos nilang makarami ng manok. Dumarami na rin ang kantang tapos na kantahin at ngayon ay marami na ulit kanta ang nakapila.

"Sigurado kang iinom ka?" tanong sa akin ni Neil. "Ilang taon na ba noong huling beses na nakatikim ka niyan?"

I chuckled. "Tatlo."

"'Wag ka na kaya uminom? Baka 'di ka makapasok bukas."

Kinuha ko ang baso na may lamang alak na ibinigay sa akin ni Sir Lawrence dahil turn ko na raw para tumagay.

"Kaya ko."

Ininom ko ang laman nito nang diretso at napangiwi nang malasahan ito at maramdaman ang mainit na pagguhit sa lalamunan ko. Umubo ako nang umubo dahil doon at lahat sila ay nagtatawanan nang dahil sa akin.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon