33

442 33 25
                                    

     

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

     

Kinabukasan ay maaga akong gumising para sa ikatlong balik ko sa Café in the Sky, pero hindi ko naman akalain na malakas na buhos ng ulan ang una kong maririnig oras na magising ako.

Nagsuot ako ng makapal na jacket dahil sobrang ginaw talaga ngayon. Kakaiba talaga sa Baguio, masiyadong malamig! Pero ganitong lugar talaga ang masarap tirhan.

Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa balcony para tingnan ang labas. Masiyadong mababa ang hamog. Parang abot kamay mo na ang ulap sa sobrang baba ng hamog. Namumuti ang kapaligiran sa kapal ng hamog. Ganda sanang tingnan at picture-an!

At malakas ang ulan, madilim ang kalangitan. Parang hindi ako makakaalis ngayon, ah? Mukhang walang balak tumigil ang ulan.

Bumaba ako at nagtimpla ng kape nang makaramdam naman ng init. Kahit naka-jacket na ako ay giniginaw pa rin. Nang makapagtimpla ng kape ay muli akong umakyat para kumuha ng comforter, at ibinaba iyon. Kinuha ko ang kape sa kusina at dinala ko sa center table ng living room.

Naupo ako sa couch, at ibinalot sa akin ang comforter, tsaka binuksan ang TV. May Netflix naman pala, mabuti naman. Nanood na lang muna ako habang hinihintay na tumila ang ulan.

Naubos na ang kape ko, at natapos na ang unang pelikula na pinapanood ko pero hindi pa rin humihina ang ulan! Kaya ba malakas masiyado ang hangin kagabi noong nasa Malcolm Square kami?

Ilang sandali pa, habang nagsisimula na ang panibagong pelikula na napili ay narinig ko ang pagbaba ng lalaki sa hagdanan. Tumingin ako sa kan'ya nang makita siyang nakababa na.

"Good morning," he greeted.

"Good morning," bati ko pabalik.

Naka-sweater na siya ngayon at sweatpants. Siguro ay tinamaan na ng lamig.

"Coffee?" tanong niya.

"Yes please. Thank you."

"Creamer?"

"Konti lang. Pakitapangan 'yung kape, tapos konting creamer lang. Thank you," paliwanag ko.

"Bread?"

I laughed. "Yes please. Thank you."

Hindi na kasi ako makatayo sa sobrang lamig. Ayaw kong ialis sa akin ang balot ng comforter dahil masiyadong maginaw. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa TV at nanood ng romance movie na pinamagatang The Kissing Booth.

Ilang sandali lang ay narinig ko na ang yabag niya papalapit sa akin. Umayos ako ng upo at umusog nang kaonti sa dulo para bigyan siya ng espasiyo sa long couch. Naupo siya sa tabi ko at iniabot sa akin ang isang tasa ng kape na umuusok pa.

"Thanks," I said before blowing it so it'll cool slightly.

Kumuha ako ng tinapay sa plate na nakapatong sa center table at kinain iyon habang nanonood ng TV. Tahimik lang kaming dalawa nang ilang minuto hanggang sa magsalita siya.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now