14

416 32 7
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

It's been eight days...

Day-off ko ngayon. Gabing-gabi na ay nakatambay pa ako sa labas ng bahay namin at nagpapahangin, dahil sa tuwing nasa kuwarto ako ay pakiramdam ko, ang lungkot-lungkot lang.

I stared at my phone.

It's been eight days...wala pa rin.

Ano na bang nangyari sa 'yo, Gian? Nasaan ka ba? Bakit hindi ka man lang magparamdam sa akin? Gusto ko lang naman malaman kung okay ka lang, kasi nag- aalala na ako sa 'yo.

At nami-miss na kita...

Tumingala ako sa at tumitig sa kalangitan, pero iba ang nakita ko.

"G-Gian..."

Nakita ko siyang nakatayo sa harapan ko habang ako ay nakaupo sa upuang ginawa sa harap ng bahay namin.

"Hi, baby..." he said as he sat in front of me.

Nangilid ang mga luha ko nang makita ko siyang muli.

Makalipas ang walong araw, sa wakas ay nakita ko siyang muli.

Ang bilis...

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Oh, h-hi."

"Kanina pa ako nandito, hindi mo ako napansin..." kita ko ang pagnguso ng kaniyang mga labi na parang nagtatampo.

"S-Sorry. Medyo marami akong iniisip, eh."

Ang saya-saya ko. Ang saya-saya ng puso ko ngayong nakita ko ulit siya, at muli kong narinig ang boses niyang tinatawag akong baby.

"Kasama ba ako ro'n?" he chuckled.

Hindi ako sumagot—sa halip ay tumitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang may nagbago sa kaniya. Hindi ko mawari kung ano, pero alam kong may bago talaga.

"Alis tayo."

Tumingin ako sa suot kong relo, at nakita kong mahigit 9:00 PM na.

"Sobrang late na, may mapupuntahan pa ba tayo niyan?" tanong ko.

"Okay lang 'yan, akong bahala sa 'yo."

Hinawakan niya ang kamay ko, at pinagsalikop ang aming mga daliri, at hinila ako patakbo, paalis sa harap ng bahay namin.

"Hindi pa ako nagpapaalam."

"'Wag na, iuuwi din kita kaagad."

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at magsisimula na sanang magtipa ng text para sa nanay ko, pero mabilis niya itong kinuha at inilagay sa bulsa ng pants niya.

"Gian naman..."

"Baby... baby ang itatawag mo sa akin." He seriously said.

Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit pakiramdam ko ay may nagbago sa kaniya? Bakit naging seryoso siya? Nang makalabas na kami ng kanto ay nakita kong nandoon ang motor niya. Tulad ng dati ay nakahanda na doon ang mga helmet na isusuot namin.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now