28

470 29 21
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Nothing feels better than having the people around you, hugging you tight because they finally know that you are leaving.

Other new on-probationary employees, na ako ang nagturo ng mga dapat ituro sa kanila, ay nag-iiyakan rin dahil hindi nila inaasahan na aalis ako. Hinihintay na nga rin nila 'yong araw na magiging regular ako.

Sa mga ka-batch ko kasi, ako na lang 'yung naiwan. Masakit para sa akin at nakakasakit sa pride ko dahil ako itong sinasabi nilang pinakamahusay sa trabaho, lalo na noong nagsisimula pa lang ako, pero ano bang magagawa ko? Kasalanan ko naman.

Sabi nila ay lumabas daw kami mamayang gabi at mag-iinuman daw. Sabi ko naman ay bukas na lang dahil kotang-kota na ako sa nanay ko, baka akalain ay lasinggera na ang anak niya. Pumayag naman sila.

Kinabukasan, nagpaalam ako sa mga magulang ko na lalabas ako sa gabi dahil may usapan kami ng mga dating katrabaho ko.

Naninibago ako. Gusto kong alisin 'yung salitang dating sa mga katrabaho ko, dahil masiyado silang naging mahalaga sa akin. Hindi ko kayang ilagay na lang sila sa nakaraan ko.

Nagpaalam ako, at sinabihan ko na sila na baka umuwi na naman akong walang malay. Pero pinangako ko sa kanila na 'yun na ang huling beses. At ipinapangako ko sa sarili kong iyon na rin ang huling beses na maglalasing ako, na iiyak ako nang sobra, dahil lang sa iisang tao.

"Kinakabahan yata ako, Frenny." He chuckled.

"Bakit?" kunot-noo kong tanong ko.

"Baka malasing ka na naman, eh..." he frowned.

I laughed. "Ano naman?"

"Kami kasi nasasaktan para sa 'yo kapag umiiyak ka, eh..."

It was a sugar-coated word for naaawa. Alam nilang ayaw ko sa word na 'yon kaya gumagamit sila ng ibang salita para maiparating ang gusto nilang iparating.

"Frenny, last na 'to." I said, truthfully.

He sighed. "Siguraduhin mo lang, ha..."

I laughed. Sobrang hinhin talaga ng baklang ito, kaya bagay kaming magsama, sabi ng manager ko, eh.

"Oo..." I chuckled.

Nagpunta na kami sa dating tagpuan naming mga magkakatrabaho, at as usual, pagdating namin doon ay naka-set na ang lahat. Kami na lang ang hinihintay.

"Libre mo ba?" pangangantiyaw ni Sir Lawrence.

Nanlaki ang mga mata ko ro'n. "Grabe, Sir. Hindi, 'no..." I said, laughing.

Ang mahal kaya! Five hundred pesos per head para lang sa unli meal at unli alak. Akala mo naman makakarami ng alak, ang lakas lakas kaya ng tama no'n sa amin.

O sa akin...

"'Wag ka nang maglalasing, ha? Uumbagin na kita." Paalala sa akin ni Trevor habang kumakain kami.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon