37

423 38 12
                                    

    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    

Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa mga dala ko. Dinala niya iyon sa bench na inuupuan niya, kaya naman naupo na rin ako ro'n.

Ngumiti siya. "Nandito ka pa pala..."

Nag-iwas ako ng tingin. "Ahh, p-pauwi na..."

Ito yata 'yung pangyayaring hindi ko kailanman inasahan dito...

"Ahh...sayang naman." He sighed.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Ahh...may inaantay ako."

I smiled when I realized who he's waiting here. 

"Girlfriend mo." I said.

He smiled. "Pupunta raw siya, eh."

Ngumiti ako sa kaniya. "Masaya ako Gian. Masaya ako na tinupad mo 'yung gusto ko..."

Muli ay ngumiti siya. "Salamat, Mary."

"Saan?"

"Sa lahat," he said. "Last week pa ako nandito sa Baguio, at gusto ko sanang makipag-kita sa 'yo rito. Kaso, hindi ko na rin ginawa. May nakapagsabi kasi sa akin na, pinili mo raw na mag-isa ka rito. At hindi na rin naman kasi kita ma-contact kaya hinayaan ko na lang..."

It's true na ilang beses niya akong tinawagan noong nakaraan at t-in-ext, kinukumusta niya ako at kung nandito pa raw ba ako sa Baguio. I didn't reply. Ang tanging ni-reply-an ko lang ay ang birthday greetings niya kahapon, na hindi ko ulit na-reply-an ang pagtatanong niya kung nasa Baguio pa ba ako, dahil kinuha ni Travis ang cellphone ko.

"Ahh... 'yun ba?" I awkwardly laughed. "Pasensiya na, ha? Ayoko kasing may kasama talaga dito."

Ayokong may makasama...pero nang dahil sa lugar na ito ay nakakilala ako ng taong tulad ko ay nasaktan din ng tadhana.

At mali na hinayaan kong maging malapit kami sa isa't-isa.

"Okay lang. Mabuti na lang at nagkita tayo dito." He laughed.

Napangiti na lang ako at wala nang sinabi pa dahil hindi ko na rin alam ang sasabihin ko.

Ilang sandali pa ay nagbuntonghiniga siya, kasabay ng malakas na ihip ng malamig na hangin.

"Sa totoo lang, hanggang ngayon, nag-aalala pa rin ako sa 'yo, kahit sinabi mong...huwag akong mag-alala sa 'yo. Kasi alam kong nasaktan kita."

Bigla akong kinabahan nang marinig ang mga salitang iyon.

Here he is now...

Here he is again...

Ayoko na, Gian. Ayoko nang balikan 'yun.

"Gian—"

"Pero kahit sinabi mong huwag akong mag-alala sa 'yo, hindi ko kaya kasi tao ako, Mary. Nako-konsensiya ako kapag alam kong may nasaktan ako. And I'm really, really sorry."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now