32

464 39 9
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Tulad ng sinabi ko ay sa PLANET pa rin kami nagpuntang bar. 'Yun kasi ang unang bar na pumasok sa isip ko nang maghanap ng bar na puwedeng kuhanan ng experience. I've never been to a bar. Gusto kong maranasan iyon dito.

Pumasok kami sa isang bar at napaubo ako sa halo-halong amoy na naamoy ko, tulad ng amoy ng usok ng sigarilyo, artificial smoke, amoy ng alak, at kung anu-ano pa. Dumiretso kami sa bar counter at naupo sa high chair.

"Anong gusto mong i-try?" he asked.

Nagkibit ako ng balikat. "What do you think should I try first?"

Ngumiti siya. "Try Mojito," he said then ordered it from the barista. Pagkatapos no'n ay tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. "Don't let yourself be drunk, okay? Don't trust me."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Bakit?" kunot-noo kong tanong.

Nagkibit-balikat siya. "You just looked so nice," he said. "You looked so fragile. Don't trust anyone easily, even me. Don't trust me. It's not that I will do something bad. I just want you to be careful in trusting someone."

Tumango ako rito bilang tugon. He seems to be so nice guy. Some people will told someone to trust them, pero siya, sinabi niyang huwag ko siyang pagkatiwalaan. Isn't it one reason to trust someone?

Ilang sandali pa ay iniabot sa akin ng barista ang baso na may lamang alak, yelo, at lime sa ibabaw. May nakapaikot na asin sa bibig ng baso.

"Dahan-dahan," he said.

Ngumiti ako dito bago ininom. Napangiwi pa pero mabuti na lang at may lime at asin na nandoon kaya naman napawi ang lasa.

May kumakanta na sa stage at maganda ang boses nito. Napatingin ako ro'n bago inubos ang laman ng baso.

"Do you want more?" he asked.

"Oo," I said. "Iba naman."

"Margarita," he told the barista.

"Coming!" sabi nito at naglagay ng kung anu-ano sa canister niya tsaka inalog nang inalog.

Tumingin ako sa iniinom ng kasama ko at nakita kong Tequila ang iniinom niya. Ang sa akin ay cocktail drinks lang. Ayaw kong malasing dahil wala naman ako sa amin. Walang mag-aalaga sa akin kung sakaling tamaan ako ng matinding hangover.

Hindi pa naman ako marunong magsuka kapag nalalasing kaya naiipon sa ulo ko ang hangover. Minsan ay dinudukot ko na ang lalamunan ko, hindi pa rin ako nagsusuka. Napabuntonghininga ako bago kumuha ng chips na in-order niya rin.

"Puwede bang sabihin mo... maghihintay ako sa 'yo..."

Nang maibigay sa akin ang Margarita ay nanood ako sa bandang tumutugtog sa stage. Sa pagkakarinig ko sa pangalan ng banda ay sila ang Baguio's Voice. Nagpakilala pa nga ang bokalista bilang Hennessey. Hindi ba't alak din 'yon? I almost laughed at my own joke. Pero mukhang bata pa siya. College freshmen? O senior high school? But he looks older. Ang pinagbasehan ko lang naman ay ang mga kasama ng bokalista. Mukhang mga bata pa.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon