12

476 35 3
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

"Paanong winasak? Anong ginawa sa 'yo?"

I sighed as I put the burger down, took a sip of coke, and wrapped my arms on my legs, still staring at the peaceful beach.

"I was young that time—nineteen to be exact. Hindi siya ang first boyfriend ko, pero cino-consider ko na siya nga, kasi 'yong mga nauna, sobrang bata ko pa no'n, puro text lang at hindi naman kami nagkikita."

I smiled when I remembered how naïve I am when I was younger to believe their lies. Napapailing na lang ako.

"Hindi ko naman dapat magiging boyfriend 'yon, hindi ko naman dapat papatulan, kasi natatakot ako. Pero tinuruan niya akong maging matapang. Ang lapit niya lang sa akin, eh. Madalas kami magkita nang patago. Halos araw-araw. Pero hindi ko siya ipinakilala sa pamilya ko, kasi, may instinct akong hindi ko pa siya dapat ipakilala...na baka hindi pa 'yon 'yung tamang oras at panahon para ipakilala ko siya, kasi pareho pa kaming bata. College kami pareho, at kailangan namin mag- focus both sa pag-aaral. Lalo na ako, nagmi-major na ako no'n, eh."

Muling umihip ang hangin kaya tinangay na naman ang buhok ko. Lumapit siya sa akin nang tuluyan at muling itinali iyon. Napangiti ako bago itinuloy ang kinukuwento.

"Pero naging issue sa kaniya 'yon. Akala niya, ikinakahiya ko siya. Akala niya, hindi ko talaga siya minahal at hindi ako proud sa kaniya, kasi ako, kilala na ako ng buong pamilya niya, eh. Sobrang dalas ko nga sa kanila sa totoo lang." I chuckled. "Sobrang tanggap nila ako sa kung ano ako at sa kung ano lang ang kaya kong i-offer."

I sighed as I felt the heat on the corner of my eyes. I already moved on but remembering how that guy treated me hurts me so much.

"Kaso, gusto niyang ipakilala ko siya sa pamilya ko, and hindi ako handa sa part na 'yon, dahil never akong nagpakilala ng kahit na sino sa bahay bilang boyfriend ko. Panahon lang naman ang kailangan ko..."

"At hindi niya naibigay 'yon?" tanong niya. I looked at him, and nodded with a smile.

"Dumalas ang away at breakups namin. Sa isang taon naming relasiyon, apat na beses kaming naghiwalay. 'Yung away namin na naging madalas, na nagagawa niya akong tiisin ng ilang araw, dahil lang sa issue niya na ikinakahiya ko siya."

I heaved a deep sigh as I felt the tears at the side of my eyes.

"Hanggang sa babae na ang nagiging dahilan ng mga away namin."

He smirked. "Fucking asshole."

Naupo na siya ngayon sa tabing-tabi ko, at inilihis ang mga pagkain na kanina ay nasa pagitan namin.

"He is," I laughed. "Natanggap na niya 'yong desisyon kong hindi muna siya ipakilala. Pero dumami 'yong demands niya sa akin. Oras, pera, atensiyon, halik...sex." I laughed bitterly. "Hindi naman ako basta-bastang babae na walang pag-iisip na ibibigay sa kaniya ang pagkababae ko."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now