09

604 36 16
                                    


Sa mga sumunod pang mga araw ay mas dumalas ang paglabas namin tuwing gabi at pagpunta sa coffee shop bago umuwi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa mga sumunod pang mga araw ay mas dumalas ang paglabas namin tuwing gabi at pagpunta sa coffee shop bago umuwi. At kahit ginagabi ako madalas kahit na opening naman ako paminsan-minsan ay okay lang sa akin. Kahit minsan ay napapagalitan na ako ng mga magulang ko ay hindi ko na iyon pinagtutuunan ng pansin dahil masaya ako sa kan'ya...

Ang hirap nang pigilan ng sarili sa pagkahulog.

Nang sumunod na linggo, sinundo niya ako sa trabaho nang walang pasabi. Nakita ko na lang na nandoon siya sa harap ng building at nakasakay sa motor niyang naka-park doon. Dati naman ay nagti-text siya kapag gano'n susunduin niya ako, kasi minsan ay hindi talaga ako pumapayag na palagi siyang naghahatid sa akin sa bahay kaya nagpapaalam pa siya.

Ngayon ay walang pasabi. Mabuti na lang at hindi pa ako tumatawag kay Papa para sunduin ako.

"Oh, Gian?"

Inirapan niya ako sa narinig. I sighed, and called him again by the name he wants.

"Oh, baby?" he chuckled as I called him that. I punched his arm. "Gago ka talaga, pinagti-tripan mo na naman ako, eh."

"What? Hindi, 'no. Gusto ko ngang masanay kang baby ang tawag mo sa akin."

"Tss." I rolled my eyes at him. "So, bakit ka nandito? Opening ka ngayon, ah?"

"Hinihintay kita."

He held my hand. Napatingin ako sa paligid dahil sa hiya sa ginawa niya.

"Huy, 'wag ka ngang ganyan, baka may makakita sa atin."

Bahagya siyang tumawa. "Grabe, wala naman tayong ibang karelasiyon, wala naman tayong nilolokong tao, bakit ka matatakot na baka may makakita sa atin?" kunwari ay malungkot niyang tanong.

"Eh, alam mo namang hindi ako sanay..." I chuckled awkwardly.

"Paano ka masasanay kung pipigilan mo palagi ang sarili mo?" he pulled me closer. "Tara, alis tayo.

"Kanina ka pa ba dito?"

"Hmm, simula noong mag-out ako sa work."

Napaawang ang bibig ko. Closing ako! Bakit naghintay siya dito nang ganoon katagal gano'ng opening siya?

"Ha? Two hours kang naghintay dito?"

"Baby, that's just nothing." Kinuha niya ang helmet na nakasabit sa isang manibela. "Come on."

"Naku, sorry, naghintay ka. Hindi ka nagsabi kasi, eh." sabi ko habang isinusuot ang helmet.

"Baby, okay lang. 'Wag mo na ngang isipin 'yon, at choice ko 'to, okay?"

"Hmm, baka nakaka-istorbo na ako sa 'yo."

"No, kahit kailan hindi nakaka-istorbo ang baby ko." he winked at me before wearing his own helmet.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now