19

400 26 10
                                    

    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    

ANG pagkakaroon ng separation anxiety ang isa sa pinakamahirap na karamdaman ang puwedeng magkaroon ang isang tao—tulad ko.

Sa tuwing may umaalis, for good or kahit temporary lang, dinaramdam ko iyon. It takes time for me to be okay. And most of the times, I wanted to be alone. I have been very, very dependent to the person who left...na kinakailangan kong sarilinin muna ang sakit.

Sa tuwing may nagpapaalam, lagi akong nag-o-overthink na...baka may mali akong nagawa kaya nagkaroon sila ng dahilan para umalis, or baka nakahanap sila ng ibang taong higit pa kaysa sa akin. Kahit na kaibigan pa 'yan, ka-trabaho, kaklase, boyfriend, o kahit na sinong may relasiyon o koneksiyon sa akin. Kahit na sinong taong naging parte ng buhay ko ang umaalis, lahat ng iyon, dinaramdam ko.

Sobrang sakit para sa akin ang may umaalis, eh.

Sobrang hirap para sa akin ang bumangong muli matapos iwanan ng taong sinanay ka nang nandiyan sila. Sobrang nawawasak at nasisira ang pagkatao ko kapag nawawala sila sa akin. Kapag...kapag may nawawala sa akin.

Tulad ngayon...

Gian has been missing in action for almost two weeks already. After the night we saw each other at the river side, which, for me, is a bittersweet moments for us, he became cold.

Hindi iyong cold na wala na siyang gana sa mga sinasabi niya at sa mga reply niya sa akin, kung hindi nali-late na ang mga reply niya sa akin, naca-cancel na niya ang tawag ko sa kaniya sa kadahilanang "lobat" ang cellphone niya kahit na nakikita kong online siya sa Messenger.

Parang dati lang ay hinuhugot niya pa sa charger niya ang cellphone niya para lang makausap ako.

Hindi na rin siya minsan nakakapag-reply sa akin, at unti-unti nang nawawala ang good mornings and good nights niya sa akin.

I tried not to notice every single change between us. I tried to ignore the signs he gave me...that he's going to leave me the way other people did. Hindi ko pinansin, kasi sabi ko, magti-tiwala ako sa kaniya at sa mga salita niya.

Pero sa bandang huli, ako pa rin ang mali.

Ako pa rin ang mali ng taong pinagkatiwalaan.

Ako pa rin ang mali ng taong binigyan ng oras at atensiyon...ng tsansang baka sakali, maibalik niya sa akin 'yung dating ako na hindi takot na sumugal.

Ako pa rin ang mali...dahil naniwala ako sa kaniya.

Hindi ako tanga para hindi malaman na hindi niya lang ako pinapansin, dahil nakikita kong online siya sa Messenger niya at nag-o-offline kapag nakikitang online ako.

Hindi ako tanga para malaman na umuwi siya ng Baguio nang hindi nagpapaalam sa akin, kasi wala na siya sa apartment niya.

Oo, ganoon ako naging tanga para sa kaniya. Pinuntahan ko pa siya sa apartment niya para sana malaman kung kumusta na siya, pero wala na siya doon.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now