20

466 25 4
                                    

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.


Muli akong pumunta sa bahay ni Archie galing sa trabaho ko makalipas ang isang linggo matapos kong ma-late sa trabaho sa unang pagkakataon.

"Hindi na talaga nagparamdam?"

Iyon ang kauna-unahang tanong niya matapos ang matagal kong pananahimik simula noong dumating ako sa bahay niya.

Umiling ako bilang sagot, with no sign of smile in my lips while staring at the glass of orange juice in front of me.

"Lubayan mo na 'yan."

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niyang 'yon. Tumingin ako sa kaniya. "Paano kung bumalik?"

"Ano? Tatanggapin mo?"

Napahigit ako ng hininga sa tensiyon na nananaig ngayong pinag-uusapan na naman naming ni Archie ito. Nag-init ang sulok ng mga mata ko, pero hindi ko hinayaang tuluyan na maiyak ako.

"Paano kung may rason? May problema sila ng pamilya niya, Archie."

Bayolente siyang nagbuntonghininga na para bang paulit-ulit niya nang sinasabi sa akin ang susunod niyang sasabihin.

"Mary, kung talagang may pakialam pa sa 'yo 'yung tao na 'yan, hindi niya hahayaang tumawag ka lang nang tumawag sa kaniya at hindi ito pansinin. Kung talagang may pakialam siya sa 'yo, magcha-chat o magti-text siya sa 'yo. Mary, wala pang isang minuto ang pagti-tipa ng message para ipaalam kung bakit wala siyang paramdam. Bakit hindi niya magawa 'yon?"

Hindi ako nakasagot, dahil tama siya. Hindi naman mahirap mag-reply sa text ko at sagutin ang tawag ko. Napaiwas ako ng tingin nang hindi sumasagot sa mga sinabi niya.

"Alam kong noon, medyo pinagta-tanggol ko pa siya sa 'yo, but that's because he's being reasonable and understandable. Iba na ngayon, Mary. Wala na siya sa hulog. At ikaw ang ihuhulog ko d'yan kapag hindi mo pa naintindihan ang punto ko."

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko, at wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak na lang. Ipinatong ko ang siko sa dining table nila at tinakpan ang mukha kong basang-basa na ng luha.

"Wala na siyang pakialam sa 'yo, Mary. Tigilan mo na 'yan. Hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo na kapag pinagpatuloy niya ang ganoong pagtrato sa 'yo, iwanan mo na?"

"Alam mong hindi ako ganoon..." sabi ko sa gitna ng paghagulgol ko. "Alam mong ayoko ng nang-iiwan."

"Ayaw mo ng nang-iiwan, pero iniwanan ka na naman. Ano ba, magpapaka-tanga ka pa rin? Hindi pa ba sapat 'yong mga panahong iginugol mo para sa kaniya? Hindi pa sapat 'yung mahigit kalahating taon? Kulang pa?"

Umiling ako bilang tugon. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiling matapos kong marinig ang mga sinabi ni Archie.

"Tang ina, makita ko lang 'yung lalaki na 'yan, hindi lang sapak ang matitikman sa akin niyan."

Unlabeled [Baguio Series #1]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu