18

416 26 5
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

I just... I just need to trust, and believe in his words...na wala talaga kaming problema. Na...kami pa rin ito kahit na nagkakaroon na ng kaunting pagbabago sa aming dalawa. Na...wala namang nagbabago sa nararamdaman niya para sa akin at ganoon rin ako sa kaniya.

That...all I need to do is to trust him. I just need to be mature enough to understand our situation.

Pero hindi ko talaga kayang magbulag-bulagan sa changes na nakikita ko. Sinusubukan ko namang intindihin at mas maunawaan siya, pero bakit kung kailan wala na siyang trabaho, tsaka siya nawalan ng oras sa akin? Bakit sa mga dati niyang katrabaho, may oras siya? Bakit hindi niya magawang reply-an ang mga text at sagutin ang mga tawag ko? Mahirap ba 'yon?

Childish ba kung iisipin kong may problema talaga kami kahit wala naman kaming pinag-aawayan talaga?

Childish ba kung iisipin kong hindi na kami tulad ng dati kahit na wala naman talaga kaming naging problema sa isa‟t-isa?

Kalagitnaan ng buwan ng June, gabi, ay tinawagan ko siya.

Alam kong lately, nagiging sobrang clingy ko na talaga, dahil ako na 'yung madalas tumawag. Ako na 'yung mas madalas mag-text sa aming dalawa when in the first place, siya 'yun noon.

Hindi na kasi siya madalas tumawag ngayon, at sobrang miss ko na siya dahil doon.

After few rings, he answered.

"Hi, baby..." he said in a drunken voice.

Umusbong ang inis ko nang mapagtanto kong umiinom na naman siya at hindi siya nagti-text sa akin o nagre-reply. Lagi na lang akong nag-aalala sa wala. Lagi akong nag-iisip dito habang siya ay okay na okay lang naman pala, nagsasaya pa.

Alam kong wala kaming relasiyon, pero hindi ba niya ako puwedeng bigyan ng karapatan na malaman kung okay lang ba siya o kung ano nang ginagawa niya kapag alam niyang nagti-text at nag-aalala ako sa kaniya?

"Umiinom ka na naman?"

"Oo, baby." He chuckled. "Sorry..." he said. "Galit ka ba?"

Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. "Bakit naman ako magagalit? May karapatan ba ako?"

He chuckled. "Puwede ka namang magalit..."

Napalunok ako kasabay ng pangingilid ng luha ko. "Pinipigilan ko lang sarili ko, Gian. Pero gustong-gusto ko nang magalit sa 'yo."

"Bakit kasi pinipigilan mo?"

I sighed in frustration. "Kasi wala akong kahit na anong karapatan sa 'yo."

Nakakatawa na ako 'yong nagpasok sa aming dalawa sa sitwasiyong ito pero ako ngayon ang frustrated...nasasaktan...nalulugi sa lahat.

Ginusto ko 'to, 'di ba?

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon