24

429 26 10
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

Halos tumila na ang ulan, at alam kong malapit na akong sunduin ng Papa ko.

Tahimik lang kaming pareho, at walang ibang maririnig kung hindi ang patak ng ulan, malakas na ihip ng hangin, pati ang mga buntonghininga naming dalawa.

"Mahigit dalawang buwan..." I said. "Mahigit dalawang buwan kang nawala?" I chuckled. "Kumusta ka naman sa mahigit dalawang buwan na 'yon?"

"Oo nga, e. Okay naman ako. I just...live my life the way I usually do," he chuckled. "Ikaw, kumusta?"

Wow, buti pa siya.

Parang sa aming dalawa, ako lang ang naapektuhan.

Parang ang saya at sobrang enjoy naman siya noong dalawang buwan na wala siya.

Parang...parang wala lang lahat sa kaniya... Parang wala kaming pinagsamahang dalawa.

Sabagay, updated nga ako sa paano sila mag-asaran ng mga kaibigan niyang taga-Baguio, eh.

I pursed my lips and smiled.

"Okay lang din ako, naging focused ako sa work."

Focused amputa.

"Wow, sigurado akong mapo-promote ka na." he smiled.

Oo nga, na-promote na sana ako kung hindi lang ako nagloko sa trabaho. Gusto kong isisi sa kaniya ang lahat ng nangyari sa akin dahil kung hindi naman siya dumating at umalis sa buhay ko, hindi mangyayari sa akin ang lahat ng nangyari.

Pero alam kong pagiging immature ang manisi ng tao, at isa pa, natural lang na gano'n ang maging epekto sa akin no'ng pag-alis niya dahil sa anxiety ko, kaya wala akong dapat isisi sa kaniya. Sa akin ang lahat ng sisi kasi ako 'to, eh. Ako 'yung pumili nito. Ako 'yung na-attach at ako 'yung gumagawa ng actions ko.

Hindi naman niya ako dinidiktahan...

"Sana nga..." I said as I smiled.

Napabuntonghininga ako nang muli kong maramdaman ang pagsikip ng dibdib ko ngayong kasama ko siya at nag-uusap. Naaalala ko lahat ng pagdurusa ko noong bigla siyang nawala.

"Uhm, sorry nga pala."

Tumingin ako sa kaniya. "Sorry? Saan?"

He looked away. "Basta..."

Muli kong naramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko sa pagsagot niyang iyon. Mahirap bang...sabihin? Kung para saan ang sorry niya, mahirap bang sabihin 'yun?

"Sabihin mo na kung bakit," I said, trying to stop my voice from breaking.

"Sorry...sorry kasi bigla akong nawala."

Hindi... hindi 'yan ang hinihintay kong sagot. Pero ang sabihin niya 'yun ay talagang nasaktan ako...dahil alam niya... alam niya sa sarili niyang bigla siyang nawala.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now