44

466 39 8
                                    

      

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

      

"Beauty queen of only eighteen she

Had some trouble with herselfHe was always there to help her, sheAlways belonged to someone else..."

Napapa-head bang pa ako nang bahagya dahil sa kanta na tumutugtog sa radio ng sasakyan niya habang nasa labas ng bintana ang mga paningin. Narinig ko siyang bahagyang tumawa.

"I drove for miles and miles and wound up

At your doorI've had you so many times but somehow I want more..."

Napalingon ako sa kaniya nang nakakunot ang noo.

"Bakit tumatawa ka d'yan?"

Umiling siya. "You're cute."

"I don't mind spending everydayOut on your corner in the pourin' rainLook for the girl with the broken smileAsk her if she wants to stay awhileAnd she will be loved, and she will be loved..."

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon. Umayos na lang ako ng upo at hindi na pinansin pa si Travis, hanggang sa makarating kami sa Zoobic Safari. Nag-park siya sa parking lot tapos ay nagpunta sa bayaran ng entrance. May binigay sa kan'yang mapa ng kabuuan ng Zoobic Safari. Pagkatapos no'n ay kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin, tapos, pumasok na kami sa loob.

Napakibit-balikat na lang ako dahil nasasanay na rin naman na ako sa kan'ya sa mga ginagawa niya. Minsan nga ay nasa bahay namin ito, walang hiya na hinawakan ang kamay ko kahit na nandoon si Papa.

Napapailing na lang ako.

Ibinigay niya ang papel na ibigay sa kaniya kanina sa ticketing area, tapos ay nag-picture sa green background para sa welcoming photo. Puwede naman daw hindi bilhin ang picture, pero kung gusto mo ng kopya ay babayaran ng additional.

Siyempre, pabibo si Travis, bibili raw siya ng kopya.

Pagkatapos no'n ay pumila na kami kasama ang ibang mga turista para magpatatak at tuluyan nang pumasok sa loob.

Pumasok kaming dalawa sa zoovenir shop at bumili talaga siya ng malaking stuff toy na tiger at ibinigay sa akin, ano namang gagawin ko ro'n 'di ba?

"This is for you," natawa ako s aka-cute-an niya. "Hug it if you miss me, okay?"

Tumawa ako at tinanggap na lang iyon.

Namasyal kami sa loob at kinuhanan ng mga litrato ang mga hayop na nandoon, tulad ng ahas na napakalaki, kinilabutan ako ng sobra, photo session with the tiger na kailangan mong padedein pa sa bote na ibibigay sa iyo, iba't-ibang klase ng ibon, mga usa, at marami pa.

It wasn't my first time here pero ang tagal na rin kasi noong huling punta ko rito. Ang dami nang pinagbago at ang dami nang nadagdag sa totoo lang. At nakakatuwang enjoy na enjoy si Travis ngayon dahil puro trabaho pala ang ginagawa niya at ngayon lang din siya nagkaroon ng time na ganito.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now