26

458 28 15
                                    

     

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     

Kinabukasan ay muli akong hindi nakapasok sa trabaho nang hindi nanghihingi ng leave.

Nag-AWOL na naman ako for the second time, at bilang pangalawang beses ko na 'yon ay sinuspinde ako ng manager ko ng tatlong araw.

"Tang ina mo, inom pa." sabi sa akin ni Archie oras na makapasok siya sa kuwarto ko. Naupo siya sa upuan sa gilid ng kuwarto ko. "Ano? Mawawalan ka na ng trabaho nang dahil sa kupal na 'yon. Iharap mo nga sa akin 'yon nang masapak ko lang isang beses, tangina."

I laughed. "Huwag na. Kasalanan ko naman." Inirapan niya ako. "Ang tanga ko ba?"

"Oo, eh." natural na sagot niya. "Hindi naman naging kayo pero nagkaka-ganyan ka. Sigurado akong lumalaki na ulo no'n ngayon."

I smiled. "Hindi ko naman mapipigilan 'yung nararamdaman ko, Archie. Kung puwede lang sana, 'di ba? Eh 'di sana hindi ko na hinayaang maapektuhan ang lahat, lalong-lalo na 'yung trabaho ko, dahil sa kaniya."

Nagbuntonghininga siya. "Bakit naman kasi kailangang i-entertain pa ang pagbabalik niya, Mary? Iniwan ka na ngang isang beses nang walang dahilan, walang paramdam. Tinanggap mo pa ulit. Ano sa tingin mo, hindi niya magagawa ulit sa 'yo 'yan?"

Hindi ako sumagot kasi 'yun naman talaga 'yung akala ko, na hindi na ulit siya aalis. Na, magiging okay lahat. Kasi ang saya ko kapag siya kasama ko, eh. Hindi ko naman alam na...ganito pala. Ganito pala ang kapalit ng lahat ng saya na naramdaman ko noong kasama ko siya.

I smiled. "Pinanghawakan ko kasi 'yong sinabi niya dati na...hindi siya aalis; na dito lang siya."

"Pero umalis siya, 'di ba?" he sighed. "Kahit walang kayo, karapatan mong malaman 'yung dahilan kung bakit siya umalis nang walang paalam at bumalik na parang wala lang. Kasi, may pinagsamahan kayo, eh. Ipakita mo nga sa akin 'yung hayop na 'yan nang makatikim ng matindi-tinding gulpi sa akin."

I chuckled. "Wala naman siyang kasalanan."

"Pero nagkaka-ganiyan ka dahil sa kaniya."

"Hindi niya naman sinabing maging ganito ako. Ako na ito, eh. Ako na 'yung nagde-decide sa mga nangyayari sa akin. Choice ko nang magpaka-wasak. Choice ko na ang maapektuhan ang lahat. Choice ko na 'to, Archie. At wala siyang sinabing maging ganito ako. Ako ang gumagalaw at nag-iisip sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon, at kung mayroong kailangang sisihin dito, ako 'yun."

Hindi siya nagsalita. I tried to hold back my tears but as the usual crybaby I am, I failed.

"Ang hindi ko kasi matanggap, bakit hinayaan kong mahulog ako sa kaniya nang ganito? Bakit hinayaan kong ma-attach nang ganito sa kaniya, when in the first place, alam ko nang ako rin ang mahihirapan dahil sa anxiety ko? Dapat simula pa lang, alam ko nang mawawasak ako at maraming maaapektuhan once na umalis siya...once na iwanan niya ako."

I sobbed as I wiped my tears away with my hands. Naramdaman ko na pinupunasan na rin ni Archie ang mga luha ko gamit ang kamay niya lang.

"Pero hindi ko kasi pinansin 'yung thoughts ko na 'yon, kasi he taught me to live with the present; that there's nothing to be scared about the things that are not yet happening. That...living while worrying with what will happen in the future will just ruin my present. He taught me not to be scared of what will happen in the future. Na...i-enjoy na lang namin ang nasa harap namin ngayon, kasi, 'yun naman ang dapat. 'Yun naman... n-naging masaya naman ako.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon