Finale

1.2K 44 42
                                    

     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

He parked in a parking lot of Subic Bay Freeport Zone; sa lugar kung saan naging kami. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Nang makalabas ay isinarado na niya ang pintuan at naunang maglakad palayo sa akin. Tahimik lang akong nakasunod sa kan'ya.

Dahil buwan ng November ay maagang dumilim kahit na 6:45 PM pa lang. Maraming mga turista ang nagkalat, mga foreigners at hindi, at malakas pa rin ang ihip ng hangin. Mas malamig ngayon dahil ber month.

Sunod lang ako nang sunod sa kan'ya hanggang sa huminto siya sa railings kung saan nasa harap lang namin ang Subic Bay. Nakikita pa namin ang pag-alis ng mga barko at sa dilim ng kalangitan ay may mga bagay at parte na lang ng lugar dito na nagbibigay ng ilaw, tulad ng ibang facilities at kung anu-ano pang nandito.

He heaved a deep sigh. Lumingon ako sa kan'ya at nakitang diretso lang ang tingin niya sa barko.

"Uhm..."

I looked away when my heart pounded the moment I talked. I felt him looked at me.

"Talk," he commanded.

Lumingon ako sa kan'ya at nakita ko na nakatingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko, sa kabila ng malamig na hangin na umiihip ngayon sa kinalulugaran namin.

"B-Bakit ngayon ka lang?" he remained staring at me with his cold eyes. "Uhm..." I looked away. "A-Akala—"

"Look at me."

Muli ay tumingin ako sa kan'ya nang may kaba. I gulped.

"Don't look away from me, Mary," he said. I nodded. "Now, continue with what you're asking."

Bahagya ay tumango ako bago humugot ng lakas ng loob. "A-Akala ko ba two years lang?" muling naipon ang mga luha ko sa sulok ng mga mata. "I still remember everything, T-Travis. W-We agreed on one or two years—"

"I didn't agree. I let you decide for the both of us because I trust you."

Napaiwas ako ng tingin sa malamig na boses niyang nagsalita.

"I said don't look away from me," he heaved a deep sigh, feeling frustrated. "I want you to keep looking at me, and only at me."

Muli ay kinakabahan akong tumingin sa kan'ya. I pursed my lips and smiled at him while my tears are now silently falling.

"Uhm, a-ako pa rin ba?" he didn't talk. "Okay lang naman kung hindi na ako. I understand. It's been more than three years. I really understand if you don't love me anymore."

He smirked, but didn't talk. I looked down and wiped my tears under my eyeglasses.

"I'm sorry," I said. "I'm sorry for pushing away. I just don't trust myself enough... I just don't think that you mean everything. I don't deserve you."

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now