08

617 42 17
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ako pinagalitan ni Mama noong gabing-gabi na ako nakauwi dahil kilala naman niya si Archie. Isa pa, nag-text din ito sa kan'ya na mali-late ako ng uwi. Mabuti na lang din talaga, kasi hindi ko kakayanin na mapalitan ng lungkot at guilt ang perpektong gabi kong 'yon kasama si Gian.

Indeed, I am being the happiest with him. Ang hirap nang itanggi . . . kahit sa sarili.

Totoo nga pala na kapag hinayaan mo ang sariling sumaya sa isang tao—nang hindi pinipigilan ang sarili—gaano man kababaw ang dahilan, magiging sobrang saya ka.

Makalipas ang ilang araw, nagpaalam siya sa akin, isang gabi, na iinom siya kasama ang mga katrabaho.

"Birthday ng katrabaho ko eh," paliwanag niya habang nagdi-drive para ihatid ako sa bahay. "Siguradong may inuman 'yon. Okay lang ba?"

Napakunot-noo akong natatawa. "Ha? Oo naman. Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin."

He chuckled. "Kailangan 'yon, Mary! Kailangan."

"Bakit?" natatawa kong tanong.

He laughed. "That's what couples do. Kailangang ipaalam sa partner nila ang ginagawa at pinupuntahan nila."

I laughed. "Baliw ka, hindi naman tayo, eh."

"Ay, oo nga." He laughed. "But I still want you to know my whereabouts. I still want to update you with everything."

Pinigil ko ang ngiti habang nasa likod niya. Hindi naman na ako makikita dahil naka-helmet kami pareho pero nagpigil pa rin talaga ako. Feeling ko kasi, maririnig niya ang mahina kong tawa kapag hindi ko ginawa 'yon. Mahalata niya pang ngiting-ngiti ako.

"Bahala ka, wala namang problema sa akin. It's your life anyway."

Nang nasa kanto na kami, nagpababa na ako dahil ayaw kong makita siya sa bahay at ng mga kapit-bahay namin. Ayokong maging headline ng chismis nila. Aware na rin naman siya doon, kaya lagi niya akong ibinababa sa kanto. Mabuti nirerespeto niya kahit minsan, alam kong gusto niyang ihatid ako hanggang sa harap ng bahay.

"Salamat, Gian."

He smiled, pinching my cheek slightly. "Sige na, pasok ka na."

"Ikaw rin, ingat ka sa pag-drive. Enjoy kayo, 'wag ka magpaka-lasing, magdi-drive ka pa."

He chuckled. "Mary, kinikilig na ako, ha?"

Natawa ako sa itsura niya habang sinasabi 'yon. "Tumigil ka nga! Sige na."

Nagsimula na akong maglakad papasok sa kanto pero hindi ko pa rin naririnig ang tunog ng pag-alis ng motor niya. Muli akong lumingon. Nakita ko siyang nakapangalumbaba sa motor niya habang pinapanood akong maglakad papasok sa kanto.

"Sige na, alis na!" sabi ko, kunwari'y itinaboy siya.

He just laughed before waving at me and left.

Sumasaya ako. Ang saya ko sa tuwing kasama ko siya. Parang may mali, eh. Hindi ako sanay na may nag-e-effort para sumaya ako. Sanay akong tanging mga kaibigan at pamilya ko lang ang source of happiness ko.

Unlabeled [Baguio Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon