11

485 32 2
                                    


     

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

     

Late akong nakauwi ng five minutes, and of course, nagalit sila pero nakapag-paliwanag ako nang maayos. And besides, nakita rin nilang may naghatid sa akin. Hindi sila nagtanong kung sino 'yon and that makes me feel relieved. Pagpasok ko sa kuwarto ko ay nag-text kaagad ako sa kaniya.

To Gian:

Text ka kapag nakauwi ka na baby

Ilang minuto lang ay nag-reply na siya.

Gian:

Hi baby. Nakauwi na ako. :))

To Gian:

Good. Matulog ka na

Gian:

Kung matutulog ako, dapat ikaw rin. :>

I chuckled as I read his text with a cute emoticon.

To Gian:

Aba? HAHAHAHAH

Gian:

Matulog na tayo, baby.

To Gian:

Oo na, baby. Matutulog na.

Gian:

Sige baby, good night. Sweet dreams. ♥

To Gian:

Good night. :)

***

Kinabukasan, hindi raw ako mahahatid ni Papa dahil may pupuntahan siya. Naglakad ako palabas ng kanto para mag-abang ng tricycle pero nagulat ako nang makita kong nandoon si Gian, nakaupo sa kaniyang motor.

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga-aga pa..."

Tumingin ako sa likod ko bago bahagyang lumapit sa kan'ya. Buti na lang at opening ulit ako kaya maaga pa lang ay kailangan ko nang umalis sa bahay. Tulog pa ang mga chismosa.

He smiled before walking towards me. "Good morning, baby. Kumain ka na?"

"Ha?" tumingin ako sa kan'ya. "Ahh, oo."

"Hatid na kita sa work mo."

I laughed. "Ang lapit lang ng apartment mo sa workplace mo, bakit sinundo mo pa ako?"

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop ang aming mga daliri. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niyang iyon, pero hindi ko alam kung bakit hindi dahil sa kaba na baka may makakita sa aming dalawa...kundi dahil sumasaya ako sa tuwing hinahawakan niya ang mga kamay ko.

"Gusto kitang makita, eh."

Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now