05

756 51 13
                                    


  

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  

Nang mga sumunod na araw, lagi ko siyang nakikitang nasa labas ng store namin sa tuwing bago ako mag-lunch break. Araw-araw . . . as in! Parang alam naman niya ang schedule ko, hindi naman fixed ang mga break ko.

Nang makapag-time out, kinalabit ako ng assistant manager.

"Naghihintay na naman ang jowa mo," sabi ni Sir Lawrence.

Napaawang ang bibig ko. "Naku, hindi ko po boyfriend 'yan!" defensive na sagot ko bago hinubad ang ID at inilagay sa locker.

Tumawa siya. "Eh ano lang? Potential boyfriend?"

Sasagot pa sana ako pero nilayasan na niya ako nang tumatawa at nang-aasar saka pumasok sa loob para kumain sa pantry. Napairap na lang ako bago lumabas dahil lagi ko namang nilalabas si Gian sa tuwing naghihintay siya, kahit na may free lunch naman sa pantry.

"Hi," bati niya sa akin nang makaharap ko siya.

Kumakabog na naman ang dibdib ko ngayong kaharap ko siya. Hindi na yata ako masasanay.

"Uhm . . . bakit?" natatawang tanong ko.

Nagti-text naman kasi siya sa akin minsan pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing pupunta siya rito tuwing lunchbreak ko, wala man lang siyang pasabi.

"Lunch?" nakangiting tanong niya.

"Ulit?" I laughed. "Araw-araw yan, ah?"

He laughed. "Tara na."

Tumango na lang ako at sumunod sa kan'ya pasakay ng escalator. "Pero one hour lang ang break ko . . ."

Lumingon siya sa akin tapos ay inalalayan pa ang kamay ko bago sumakay ng escalator.

Ano ba 'yan, Mary! Kung anu-ano na namang nararamdaman at iniisip mo! Huwag ka ngang magpapaloko r'yan at baka sa salita lang 'yan magaling, at hindi naman pala totoo, Mary!

"Okay lang. D'yan lang tayo sa labas."

Tumango na lang ako.

Nang makarating na kami sa ibaba, lumabas kami ng building at pumasok sa McDonald's. Pinaupo niya na lang ako sa bakanteng table at siya na ang nag-order sa counter. Ilang minuto lang din akong naghintay, bumalik na siya na may dalang tray na may lamang fried chicken, rice, french fries, at McFloat. Ibinaba niya 'yon sa table.

"Kain ka na. One hour lang din ang break ko." He laughed.

Tumawa na lang din ako bago tinanggal sa lalagyan ang rice, saka kami nagsimulang kumain.

"One hour lang pala ang break mo, bakit hinintay mo pa ako?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko, eh." He chuckled. "Gusto kita kasabay kumain."

I continued eating to conceal my smile. Nang makitang nakatingin siya, tumikhim ako pero ngumiti lang siya nang mapansin na nangingiti na sa akin.

"Mary . . ." he called me.

Unlabeled [Baguio Series #1]Where stories live. Discover now