Prologue

674 38 1
                                    

Pinapanood kong naglalaro ang mga bata sa plaza.

Yung dalawang babae ay masayang naghahabulan samantalang katabi ko ang kambal nung isa.

"Papa, bakit walang nakikipaglaro sa akin?" Tanong nung katabi ko.

Lumuhod ako sa harapan niya. "Bakit hindi ka sumali sa kanila?" Turo ko sa dalawang batang babaeng naglalaro. "Nandun pa naman yung kapatid mo."

Umiling iling siya sa akin. "Pareho po silang babae. Hindi po kami magkakasundo."

Nakakatuwa ang mga batang ito. 7 years old palang, kung anu-ano na ang iniisip.

"Kung ganun, ako nalang ang kalaro mo. Pareho tayong boys." nakangiti kong saad.

Tumingin siya sa akin na may pag-asang nakikita sa mata. "Yes! Tagu-taguan tayo papa, ikaw taya ha! Bawal sumilip!"

Umiling-iling ako saka tumalikod at bumilang hanggang sampu.

Masaya kong nakasama ang mga anak ko at pag-uwi namin ay hindi matanggal ang ngiti sa labi nung isang batang babae.

"Oh anak? Bakit kanina ka pa nakangiti?" Tanong ko sa kanya.

"Wala po. May binigay lang po sa akin yung friend ko kanina. Ang ganda!" mga bata talaga, napaka-inosente at straight forward. Kung pwede nga lang bumalik sa pagkabata.

"Ha? Madaya ka naman! Ako, si papa lang ang playmate ko kanina." Halos umiyak na yung batang lalaking kasama ko kanina.

"Sshh, wag ka umiyak." Yakap ko sa kanya bago binalingan ang kambal niya. "Ano yung binigay niya sayo? Pwedeng patingin ang papa?"

Umiling-iling ito habang tumatawa. "Hindi po pwede! Ang sabi niya, secret lang namin kung ano yun."

"Malalaman ko rin yun. Wala ka dapat secret sa akin kasi kambal tayo"

Makalipas lamang ang ilang araw ay tumakbo sa akin ang lalaki kong anak na umiiyak.

"A-anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong.

"P-papa...y-yung kambal ko p-po..."

~*~*~*~*

*boogsh!*

"WALA KANG KWENTANG KAIBIGAN! TINURING KITANG KAPATID TAPOS ITO ANG SUKLI MO SA AKIN?!"

Patuloy niya akong sinusuntok at hinahayaan ko lang siya. Tama siya, wala akong kwentang kabigan.

"SA ILANG DEKADA NATING PAGSASAMA, NI HINDI KO INISIP NA IKAW ANG SISIRA SA AKIN!"

Nakatanggap ako ng suntok sa mukha.

"PAPALAMPASIN KO SANA, PERO HINDI KA NAKUNTENTO! PATI ANG PAMILYA KO! DINAMAY MO!"

Tinadyakan niya ako.

"WALA KANG PUSO! DEMONYO KA!"

Tuluyan na niya akong binubugbog habang umiiyak. Pinipigilan ko ang mga luha ko. Hindi ko pwedeng ipakita ang kahinaan ko.

"Pero kahit ganun, hindi kita kayang patayin, kaibigan..."

Nagulat ako.

"K-kaibigan..." halos ibulong ko sa hangin.

Sorry pre. Patawarin mo ako.
---------------
Gagawin ko pong medyo corny ang start. Mga first 20 to 25 chapters ay napakasweet. Hindi po ako korning writer kaya mahirap para sa side ko ito. Huhuhu. Bear with me guys, maganda naman ang conflict eh.

~Cha❤

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now