Chapter 41: ICU

84 1 0
                                    

~Shawn's POV~

Nalungkot ako nung natalo kami dun sa game na ginawa ni Chrissa. I know na mababaw pero wala eh, ito yung totoong nararamdaman ko. Pero bilang kaibigan at pinsan na rin ay kinausap ako ni Chrissa at sabi niya, kami daw dapat yung nanalo kasi iniisip muna namin ang isa't isa bago ang aming sarili.

Napapangiti nalang ako kapag naalala ko yun. Nako, Alvarez. Kalalaking tao, madaling pakiligin.

Kaya ito, balik na lahat ng hopes ko. Ipagpapatuloy ko lang ang panliligaw.

Nagdadrive ako papunta sa bahay nila Kenna ngayon. May dala akong panglunch. Sunday naman, sigurado akong nandun lang yung kambal. Nandun man o wala ang parents nila ay ayos lang. Good boy naman ako hahaha.

Nang makapunta na ako ay nakabukas na ang gate. Bakit nakabukas? Delikado to ah. Paano kung may ibang pumasok?

Pagpasok ko ay sinarado ko nalang ito saka pumunta sa may pintuan pero nakalock. Nagtaka ako. Tama naman ah. Sunday ngayon. Baka nag-grocery shopping.

Kaso, hindi eh. Iba ang pakiramdam ko. Siguro medyo tumalas na rin ang pakiramdam ko dahil sa mga gang fights kaya ganito.

Umikot ako sa bahay nila. Buti nalang, pwedeng pwedeng pumunta sa garden nila sa likod ng bahay.

Dumaan ako sa likod. Ang ganda ng garden nila.

"Seryoso ka?" Tanong ng isang pamilyar na boses.

Nilibot ko ang paningin ko at nadatnan si Ken at Kenna sa isang bench. Nakatalikod sila sa akin at siguro hanggang 3 lang ang kakasya sa bench na yun. Nakasandal rin ang ulo ni Kenna sa kambal.

"Hindi ko nga alam diba? Pinag-iisipan ko pa."  Sagot niya sa tanong ni Ken.

"Basta ako, hindi iiwas."

"Susuwayin mo sina Papa?"

"Oo."

"Seriously? That's brave, Ken"

"Ngayon lang naman. Para sa kanya, kakayanin ko ito."

"Wow."

"Eh para kay Shawn?"

Natinag ako nang marinig ko ang pangalan ko. Ano bang pinag-uusapan nila?

"Hindi ko alam." Sagot ni Kenna na nakapagpasimangot sa akin. Hindi ko man alam ang pinag-uusapan nila ay masakit pa rin. "Feeling ko kasi, may reason sila kung bakit tayo pinapaiwas sa magpinsang yun."

Aaah, hindi lang ako. Pati si Chrissa ay kailangang iwasan.

I just found myself curious about their conversation.

"Alam ko ang dahilan." Sagot ni Ken. "Pero napaka-unreasonable."

"Bakit?"

"Alam mo sana yun. Tanda mo pa sana yun pero pagtapos nung aksidente niyo ni Ivy ay hinding hindi ko na binanggit."

"Ano ba kasi yun?!"

"Si Tito Jahnrex, kilala mo?"

"Hindi"

"Kaibigan siya ni Papa. Magkakilala daw sila nung highschool pa."

"Tapos?"

"Hindi ko na alam ang sunod na nangyari pero nagising nalang ako isang umaga, sinusuntok ni Tito si Papa, dito mismo sa garden na ito. Bata pa tayo nun, pero naiintindihan ko na ngayon." tinuro niya ang spot kung saan nangyari yun. Naimagine ko ang mga nangyayari. "Ang daming sinabi ni Tito Jahnrex nun pero to summarize, ang sabi niya; sinayang daw ni Papa ang pagkakaibigan nila, pati ang pamilya niya ay dinamay. Hindi ko alam kung ano talagang nangyari pero siguro may kinalaman sa business nila kasi nalaman ko nalang na naghihirap na pala sina Tito Jahn. Bagsak na ata ang company nila tapos wala na rin silang pambayad nung rent sa tintitirahan nila. Maaga silang nagkaanak ni Tita Roxanne kaya nang ipanganak ang una at pangalawang anak nila ay sa isang rented building sila tumira. Pinapagawa pa ang bahay nila, sabi ni Papa. Siguro simula nung naghirap na sila, dun sa sila tumira sa unfinished house nila."

The Key And Her SacrificesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ