Chapter 13: Sir Luke

99 2 0
                                    

~Chrissa's POV~

Naiilang pa rin ako sa ginawang pagcomfort sa akin ni Ken dun sa Loreland habang halos bumagyo na. Ang swerte naman ni Kenna na magkaroon ng ganung kambal. Ako nga walang kapatid eh. Hay nako, so sad ka talaga Chrissa Fyn.

Tsaka, feeling ko phobia ko na yun. Para kasing dejavu. May naalala ako na hindi ko matandaan. Ironic diba?

Anyway, dahil dakilang patay malisya ako, di ko na masyadong pinansin yun. Ayos na siguro ang thank you tapos back to normal.

I feel sorry for him and Shawn though. Nakakatakot magalit si Calix at matagal ko nang alam yun kaya dapat inunahan ko sila sa mga dapat nilang gawin. Ako kasi ang nagimbita sa kanila. Ni hindi ko man lang sila binigyan ng chance na makapagpaalam sa mga kaibigan namin. Hindi ko rin sila pinaalalahanan na tawagan o itext man lang sila.

Kahit ganto ako, alam ko pa rin ang mga kasalanan ko kaya ilang beses na akong nagpapakasorry sa kanila

Nalaman ko pati na sa Empire Six, si Calix lang ang di ko kayang sampalin kapag nagmumura. At oo, dahil nakakatakot nga siya.

Ginagawa ko rin ang best ko na panatiliing masaya ang grupo namin. Sinasama ko rin sina Xander at Nate sa nga kalokohan ko para masaya.

Ngayon, gusto kong ito ang gawin kong goal, to mentain happiness of my friends.

Iniisip ko palang, natutuwa na agad ako.

Speaking of friends, kita ko na sina Yren at Kenna. Sinabayan ko sila sa paglalakad at medyo nagkwentuhan pa kami.

"Kenna, anong plano mo sa sembreak?" Tanong ko.

"Luh, malayo pa yun"

"Nagatanong lang"

"Grabe ka, next next month pa yun"

"Eh, excited na ako."

"Bakit? Sa tingin mo, kasama ka sa mga plano ko?"

"Aaaww, sakit ah" napahawak ako sa dibdib ko at nagdrama ng konti bago tumawa.

"Saan section mo?"

"Ha? Caleum bakit?"

"Nalampasan mo na"

Dun ko lang napansin na tinatawanan na ako ni Yren sa loob ng classroom dahil halos pumasok sa ako sa section Star. Kaya pala di siya ngasasalitaaaa!

"Ay hahaha, sorry. Bye Kenn--ah" boom! Paano kasi, naglalakad ako sa room ng nakaharap kay Kenna kaya ayun, nauntog ako sa pintuan tapos tumama sa ulo ko yung schedule. "Aray hahaha"

"Danger Prone" nginitian ko siya dahil sabay kaming nagsabi nun. "Wow ah, scripted lang?"

"Ayos ka lang?" Natatawa pero halatang nagaala pa rin ang boses niya. Wooow, nakakatouch namaaan.

"Oo. Ayos lang. Sanay na ako masaktan" nakangiting saad ko habang hinihipo ang noo ko.

"Hugot ah"

"Ikaw nagiisip nun"

Kinakapa ko kung may bukol ba o ano kasi medyo masakit talaga.

"Patingin nga" suggestion niya kaya pinakita ko kay Kenna ay noo ko. "Hala ano to?" Tanong niya. Hinawakan niya ang noo ko pero sa ibang parte. Di dun sa natamaan. "A scar? San mo nakuha to?"

The Key And Her SacrificesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon