Chapter 25: Burst

78 2 0
                                    

~Chrissa's POV~

"Gusto kita, Ken" pag-uulit ko dahil wala na akong maisip na pwede pang sabihin. Hindi ko siya kayang bigyan ng explanation. Halos hindi na rin ako makapagsalita. My heart is full. Nanatili lang akong nakayuko.

"F*CK YOU!" Nagulat ako sa sigaw niya. First time niya akong murahin. Namumuo na ang mga luha sa mata ko pero pilit ko itong pinipigilan. "Get out of my sight or so help me masasaktan talaga kita!"

"Chrissa, wag kang iiyak. Wag mong ipapatulo yan." I silenty chanted to myself. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap niya. Sa harap ng kahit sino. Kilala nila ako bilang masayahin.

Huminga akong malalim bago nagsalita. "I'm sorry" yan nalang ang nasabi ko bago umalis sa room nila.

As soon as I got out, I stared at the door, nagbabakasakaling baka buksan niya ulit yun. Baka papasukin niya ulit ako. Baka patawarin niya ako.

But then, my tears started falling by themselves. Nakita ko ang mga kaklase ni Ken na papunta sa classroom nila kaya agad akong kumaripas ng takbo habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

I plan to run to the whole school para mapagod ako. Baka sakaling mapagod rin ako kakaiyak.

Lahat sila ay nasa classroom na nila, may kanya kanyang party.

"Aaaaaaaaaahhhhh!!!" Sigaw ko habang tumatakbo. "AaaaAaAaAaaAh!" Basag na ang boses ko pero hinayaan ko lang. Mas magandang sumigaw kasi lalo lang akong mapapagod.

Pero napatigil ako nang maalala ko na naman ang mga sinabi ni Ken.

"Napakalandi mo!"

Napasabunot ako sa sarili ko at umupo nalang sa sahig. "Napakabobo mo, Chrissa!"

Ni hindi man lang ako hiningal sa pagtatakbo ko. I cried my eyes out. Wala namang nakakakita sa akin. Ayos lang ito.

Maya maya pa ay tumayo ako, pinunasan ang luha ko at pumunta sa open field saka umupo sa tabi ng puno. Wala na akong balak pang bumalik sa classroom.

"Oh, look what we have here" rinig kong boses ni Ericka.

"Aaaw, poor girl. We warned her didn't we? It's her fault na" ani Stacey.

"Ang landi landi kasi. Didikit dikit kay Shawn, tapos lalandiin si Ken? Buti nga sa kanya" sabi naman ni Faye.

Their words doesn't matter. Hahayaan ko lang sila sa gusto nilang isipin.

"Hey, kinakausap ka namin!" Sigaw ni Ericka sabay hatak sa braso ko kaya napatayo ako.

"Ah, ako ba ang kausap niyo?" I remained a stern face. "Akala ko dinedescribe niyo ang isa't isa"

"You b*tch!" Sabay sampal sa akin ni Faye. "Nareject ka, am I right?"

"Ang landi mo! Mahal mo si Shawn tapos sasabihin mong gusto mo ako?! Nasaan ang konsensiya mo?!"

That's when I started to cry. Wala maman akong pakielam sa sasabihin nila eh. Yung kay Ken lang.

"Oh, she's crying again" sabi naman ni Stacey.

Tinanggal ko ang braso ko sa hawak ni Ericka tsaka tumalikod para sana umalis na pero naramdaman ko nalang na sinabunutan niya ako.

"Napakalandi mo!" Padabog niya akong pinakawalan kaya napaupo ako sa lupa.

Tumayo ulit ako para umalis na nang tulakin ako si Stacey. "A b*tch always needs a slap in the face, but you" tiningnan niya ako na parang diring diri. "You're a sl*t"

The Key And Her SacrificesKde žijí příběhy. Začni objevovat