Chapter 9: Deep Pool

113 3 0
                                    

~Shawn's POV~

Hindi ko alam kung matatawa ba o maaawa ako kay Chrissa kahapon. Hahahaha, kawawa naman siya pero kasalanan niya yun. Sinabihan na namin siya ni Ken.

Hindi ko rin alam kung malulungkot ba o matutuwa ako dahil pinag-awayan pa ni Ken at Kenna kung sino ang gagamot kay Chrissa. Ngayon lang siya nagkaroon ng kaclose maliban sa Empire Six, masaya ako para sa kanya. Pero nasanay ako na ako lang ang kinukulit niya at mukhang may iba na siyang malalapitan, para sa akin, nakakalungkot yun.

Pero hindi ako pwedeng maging makasarili kaya hinayaan ko na sila kaso hindi ko mapigilang mainggit.

"Kenna ha, pinagbigyan ka na namin kahapon. Lumapit pa ako sa mga bata dahil sa request mo. Hehehe, kami naman ngayon ah" sabi ni Chrissa habang sinusundot ang pisngi ni Kenna.

"Oo na, naglalakad na nga tayo dun diba?" Naiinis na ani ni Kenna.

"Uy, ayan na! Bwahahahahaha!" Sigaw ni Ken.

Napalingon ako sa harap at nakita ko yung pool na medyo malalim. Yes! Nandito na!

"Wohooo!" Sigaw ni Chrissa saka deretsong dive sa pool.

Na-excite naman ako agad at tumalon na rin.

"Huh. Medyo mababaw pero ayos na rin" sabi ni Chrissa nang tumayo siya. Hanggang leeg niya ang tubig.

"Mababaw pa yan, ikaw lang kasi ang pinakamaliit sa atin" asar ni Ken bago siya tumalon sa pool at naiwan si Kenna.

"Hahahahaha!" Tawa ko kasi totoo naman na siya ang pinakamaliit hahahaha! Kung hanggang leeg niya ang tubig, hanggang dulo lang siguro ng leeg ni Kenna at hanggang balikat namin ni Ken kasi halos magkaheight rin kami. Pero pakiramdam ko talaga mas matangkad ako eh.

"Psh! Average height kaya ako! Mga higante kasi kayo!" Sigaw naman ni Chrissa.

"You know what, ang sarap palang asarin si Chrissa noh? Naiinis siya pero di nagagalit hahahahaha!" Sabi ni Kenna.

"Hala! Anong pinagkaiba nun?" Natatawang tanong ni Chrissa. "Mga baliw pala kayo eh!"

"Ganon? Sino sa atin ang mukhang sira na ngumingiti ng walang dahilan?"

"Ha! Di ka lang marunong lumangoy! Punta ka nga dito"

Parang nainis si Kenna sa hamon ni Isda kaya pumunta na rin siya sa tubig. As expected, hanggang dulo ng leeg niya.

Napabaling ako kay Chrissa at tumingin siya sa akin, tapos tumingin siya kay Ken na malapit lang sa kanya bago ngumiti ng nakaloko, mukhang may plano na naman.

"Ken, dun tayo sa mas malalim" hinila niya sa braso si Ken. "Shawn! Bantayan mo yang kambal niya"

"Ha? Uy, ako nalang isama mo. Kambal naman niya to eh" bigla akong nakonsensiya kasi baka isipin ni Kenna na ayaw namin sa kanya.

No, masaya kaya kasama si Kenna.

"Hindi! Mas malapit sa akin si Ken kanina. Hahahaha!" Asar pang tawa nito.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now