Chapter 31: Hostpital

78 4 0
                                    

~Shawn's POV~

Pinanood ko kung paanong magsagutan sina Chrissa at Ken. Sheesh, she loves him so much.

Hindi na rin ako nakielam kasi paniguradong masasapak lang ako hehe.

"There. Medyo nakalma na ako. Don't bother me for a while, ok?" Aniya. Tumitindig ang balahibo ko dahil dito eh. Wews.

Kitang kita ko rin ang pagkabigla ni Ken. Ha! You are no match for my cousin's words.

Tatawa na sana ako pero nakita ko kung paanong bumagsak si Chrissa sa sahig. Damn!

"Chrissa!" Agad siyang nilapitan ni Ken.

Pati ako ay nag-aalala na rin. Pinasok ko muna si Kenna sa van. Mukhang nakatulog na rin siya bago ko pinuntahan si Chrissa.

"Sh*t! She's unconscious" sabi ko. Nilapag ni Ken ang ulo ni Chrissa sa hita niya. Doon ko napansin yung panyong nakatali sa hita niya. Hindi na mahigpit ang pagkatali at mukhang malalaglag na. "Ano to?"

Kinuha ni Calix ang panyo. Tinitigan niya ito na para bang nag-iisip tapos sinilip niya ang sugat ni Chrissa sa binti na dumudugo na talaga, pati ang pisngi niya ay dumudugo rin.

"Bring her to the hostpital! Now!" Sigaw niya.

Sa pagkataranta ay ginawa na namin ang sinabi niya.

Chrissa, please be alright.

Yari ako kay Mom at kay Tita Amanda nito.

*~*~2 days later*~*~

Dalawang araw na rin ang nakalipas at ngayon na ang araw na pwede nang ilabas si Chrissa sa ospital pero mamayang hapon pa.

Para kasing baliw yung babaeng yun! Alam na nga niyang natamaan siya ng lason ay ang likot likot pa rin.

"Hoy," bati ko kaagad pagpasok ko. Nakita ko siyang nakaupo sa kama at kinakain yung hilaw pero nabalatan nang carrots. "Hoy, rabbit. Nasaan sila?" Tukoy ko sa Empire Six.

"Juon sha...weyt wang (Doon sa...wait lang)" sabay lunok ng kanyang kinakain. Dalok kasi eh. Mabulunan ka sana. "Ehem! Doon sa labas, di ko alam kung saan sila pupunta. Actually, sinabi nila sa akin eh pero di ako nakinig. Distracted ako nitong carrots hahahaha!"

Magana na ulit siya. Kahit ganyan si Chrissa alam kong medyo malungkot siya. I mean, to spend the whole Christmas in the hostpital? That's sad. Ang mas nakakalala pa nitong sitwasyon ay hindi man lang siya binisita ng mga magulang siya.

'Baka busy lang'. Yan ang laging reason sa akin ng pinsan ko sabay change topic.

Sa tagal kong kasama si Chrissa, I can really tell na ayaw niyang pag-usapan ang mga magulang niya. That's strange.

"Ah sige, hahanapin ko lang sila. Ano pang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm," tiningnan niya ang vegetable salad na dala kanina. Wala na ngang carrots yun eh. Takaw. "Isa pa--dalawa nalang pala. Dalawang carrots. Balatan na ha. Thank you, Cozy. Hehehe"

Umiling iling ako ng nakangiti bago lumabas.

And there, nakita ko na naman siya na nakatingin sa bintana ng kwarto ni Chrissa. Kahapon pa ito ganito.

"Ken, are you sure na ayaw mong pumasok? Nagmumukha ka nang stalker diyan." Sabi ko sa kanya.

Umiling ito. "Ayaw niya muna akong makita, remember? Isa pa, mukha namang maayos na siya sa dala kong salad."

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now