Chapter 18: Rix Crayville

84 2 0
                                    

~Chrissa's POV~

Naiinip na ako ng konti. Wait, no, erase erase. Naiinip na ako ng sobra! Si Sir Luke kasi, ang bagal dumating. Itong mga kaklase ko ay busy sa kung ano anong bagay.

Halos lahat sila nagacellphone. May cellphone naman ako, pero kasi walang games yun. Nakakabored rin pala na ganun.

Naghintay ulit kami ng mga 15 minutes saka sa wakas, ay nandito na siya.

"Sorry I'm late class, naging busy lang ako sa papers ng isa niyong kaklase." Paliwanag niya agad.

At ako, being my curious self, nagtanong ako. "Bakit Sir? Ano pong nangyari? Sino siya?"

"Si Rix Crayville. She dropped out. Actually, di ko alam kung drop out ba o transferring to a new school but she won't be studying here anymore. Nakakapanghinayang rin kasi maayos naman ang grades niya kaya hindi ko talaga siya maintindihan" parang nanlulumong saad ni Sir.

Simula nung narinig namin sa faculty room, pinagmasdan ko na ng mabuti ang mga galaw ni Sir at masasabi ko talagang caring siya sa class na ito.

Tumingin ako dun sa pinakagilid na likod ng room kung saan nakaupo si Rix. Wala na nga siya sa upuan niya.

Sa pagsulyap doon ay di natakasan ng mata ko si Calix. Halatang nagulat ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganun.

"R-Rix Crayville....Sir...?" Konti nalang iisipin kong may something dito kay Cal.

Tumango si Sir Luke sa kanya. Lalong nanlumo si Calix.

Kilala ko naman si Rix pero kahit anong gawin kong pangungulit sa kanya ay hindi niya ako halos pinapansin tsaka, isang tanong, isang sagot ang nangyari kapag kinakausap ko ito, kaya nakakagulat nalang ang reaction ni Cal.

Mabilis na natapos ang klase ni Sir kasi late na talaga siya dumating.

Kinuha ko ang wallet sa bag kasi reccess na namin nang mabangga ako ni Cal.

"Sorry" cold niyang sabi saka dali daling umalis.

Medyo nagalala na ako kaya binilisan ko na at sinundan ko siya. Maraming tao ang lumalabas sa classroom namin at sa kabilang section kaya nagsisikap akong habulin siya ng aking mata.

Sa pagmamadali ay nakabangga ko si Mark.

"Chrissa?"

Di ko siya pinansin at patuloy na hinahanap si Calix. Nalungkot ako nang di ko na siya makita.

"Aaayy, wala na. Mark kasi" sinuntok ko siya ng mahina sa braso.

"Bakit?"

"Sinusundan ko si Cal. Parang may problema eh" sabi ko.

"May problema si Calix?" Biglang sulpot ni Xander.

Pumunta kaming magkakaibigan sa isang table sa canteen, minus Cal of course.

"Kasi, sabi ni Sir Luke, nagdrop out daw si Rix. Unang beses ko lang nakita ang ganung reaction niya, grabe talaga. Ang worried ng face niya" paliwanag ko.

"Si Rix?" Tanong ni Xander na mukhang nagaalala na gulat na gulat.

"Ayan! Ganyan! Ganyan na ganyan ang mukha ni Cal kanina" turo ko sa kanya.

"Kilala mo yun, Xander?" Tanong ni RJ.

"Ha? Ah, ano. Nakita ko siya sa room niyo pero di ko siya gaanong kilala hehe" palusot pa niya.

Halata namang walang naniwala pero sinakyan na rin namin ang trip niya. Anong tinatago niyo? Calix and Xander?

~*~*Uwian~*~*

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now