Chapter 32: Rejection

83 3 0
                                    

~Kenna's POV~

Isang beses ko lang nabisita sa ospital si Chrissa at tulog pa siya ng mga oras na iyon. Ngayon, malapit na ulit ang pasukan. Ni hindi ko man lang siya nabisita ulit.

Nakita ko kasi si Shawn. Alam kong duwag pakinggan pero hindi ko pa kaya eh. Naalala ko pa rin yung mga sinabi niya sa akin.

Kahit ganun, nagpapasalamat pa rin ako kay Chrissa dahil nailabas niya ako sa building na iyon.

Nakakatakot kaya yung natutulog lang ako tapos pagising ko ay nandun na ako. Naakyat nila ang kwarto ko.

Nakita ko rin yung away nila ni Ken pagkatapos nun. Walang may kasalanan. Pareho lang naman silang nag-aalala para sa isa't isa.

Tapos si Sir Luke at Zeus pa. Ano bang nangyayari na sa buhay na ito?!

"Kenna" tawag ni Ken tapos pumasok na sa kusina. Hindi na ako masyadong pumapasok sa kwarto ko. Medyo natrauma na rin kasi kaya dito ako sa kusina tumambay. May mga pagkain pa dito.

"Hmm?" Tanong ko sabay subo ng tinapay. Nakatitig lang siya sa akin na para bang tinagos na niya ang kaluluwa ko. "Ano?" Hindi pa rin siya bumabalik sa realidad. Ano bang iniisip nito? "Ken! Huy!" Doon lang siya natauhan. "Ano bang iniisip mo? Wag mo naman akong tunawin"

"Uhm," sabi nito na para bang nakalimutan na niya lahat ng salita sa mundo. "Kasi," tumingin ulit siya sa akin.

"Ano ba yan! Nawi-weirduhan na ako sayo!" Naiirita kong sabi.

"Sorry" sabi niya. "Ang swerte mo kasi. Ang effort niya" dagdag pa niya. Wala akong maintindihan kaya binigyan ko lang siya ng 'nababaliw-ka-na-ba' look. "Congrats in advance sis. Sana maging masaya kayo"

Tapos umalis na siya sa kusina. Ano bang meron? Anong swerte? Congrats?

*~*~Days later*~*~

Nakadepress naman.

May pasok na ulit bukas.

January 4, 2019.

Dumaan ang new year na hindi kami nagkakaayos na magkakaibigan. Baka buong taon kami hindi magkaayos niyan.

Si Ken ay palagi ko lang kasama dito sa bahay at yung iba naman ay hindi ko na alam kung nasaan na ba sila.

Magiging busy na naman bukas kaya ngayon ay pumunta ako sa park kung saan lagi kaming naglalaro nina Ivy at Ken dati.

Umupo ako sa isang pambatang slide. Maliit lang siya. Kahit nakaupo ako ay kasya ang buong bewang hanggang talampakan ko.

"Ang bilis ng oras ano?" Tanong ko sa hangin. Baka sakaling dalhin ng hangin ang mga salita ko papunta sa kanya. "Dati, naglalaro pa tayo dito mismo sa slide na ito" tuloy ko pa. "Ngayon, kasya na ako hahaha" hindi ko napigilan ang mga luha ko. "Iba talaga ang mga dugong Alvarez." Naalala ko na naman kung paano nila sinakripisyo ang mga sarili nila. "Niligtas mo ako." Tumingin ako sa langit. Ngayon, sigurado akong si Ivy talaga ang kinakausap ko kahit wala siya. "Niligtas ako ni Chrissa." Napangiti ako sa mga sinasabi ko. "Napakabuti niyong kaibigan" nawala ang ngiti ko nang may sumanggi sa isipan ko. "Pero si Shawn, pinaasa lang ako" bumaba na ang tingin ko sa lupa. "Baka hindi siya kadugo ng mga Alvarez hahahaha"

I tried ko cheer myself up but I ended up crying. Wala namang tao dito sa park kasi maga-gabi na kaya ayos lang ito dahil walang nakakakita sa akin.

Hinawakan ko yung kwintas na suot ko ngayon.

Ito ang nagsibling palatandaan ng pagligtas niya sa buhay ko. Literal niyang binigay ang buhay niya.

The Key And Her SacrificesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin