Chapter 15: Treating you better

103 1 0
                                    

~Kenna's POV~

Simula nung nangyari yung mga pick up lines nung mga nakaraang linggo, hindi na matanggal sa isip ko yung sinabi ni Shawn nung gabing yun.

Nagiging medyo mahiyain na ako pagdating sa kanya kapag nakikita o nakakasama ko siya. Haay nako Kenna, paano mo na makakasama ang taong gusto mo kung lagi kang ganyan?

Ang plano ko sana ay kakalimutan ko yung gabing yun at aayusin ko ang sarili ko para hindi na kami awkward or at least, hindi na ako awkward pero nakalipas na ang dalawang buwan ay ganto pa rin ako!

Huhu, di na nakakatuwa to Kenna Anley! Ayus ayusin ang buhay mo. Dalawang year ka nalang nga sa high school eh.

And is it just me? Or is Shawn treating me better? Hindi naman sa masama ang trato niya sa akin pero extra na yung pagkabait niya.

"Kenna!" Speaking of Shawn, ayan na siya. Wearing his smiling face. Ugh, bakit ba kailangan niyang maging gwapo?

"H-hi" as you can see, ang awkward ko pa rin talaga.

"Akin na yan" kinuha niya halos lahat ng notebooks at dalawa nalang ang natira sa akin. Haays, ito na naman siya. Sa akin pinapadala sa faculty room yan eh.

"U-uy, akin na yan. Sa akin pinapadala yan" ani ko nang hindi halos makatingin sa mata niya.

"Malayo pa ang faculty room. Tsaka, transfer student ka diba? Di mo pa kabisado ang school na to" magrereklamo sana ako na saulo ko na nang senyasan niya ako na tumahimik. "Hindi mo pa kabisado ang Sylone Z" ngumiti siya sa akin at sumingit dun sa isang masikip na alley na sinundan ko naman. Matagal ko nang nakikita ito pero ngayon ko lang napuntahan. "Di mo pa alam ang mga short cuts. Si Mark nga pala ang nakadiscover nito"

"D-diba doon ang faculty room?" Turo ko sa opposite way.

"Oo nga. Pero marami yung paliko kaya hindi mo mapapansin na ito ay straight way short cut doon"

"H-hindi ba forbidden way ito?" Tanong ko nang mapansin na walang ni isang tao dito.

"Hmm, hindi naman. Tsaka kung forbidden way man, at least pag naparusahan, kasama ko ang Empire Six." Humarap siya sa akin kasi kanina pa ako nasa likod niya. "At kasama kita"

Feeling ko namumula na ako pagtapos niya akong ngitian. Pleaase, stop. Paano na ako magiging less awkward nito?

"Uhh, akin na yan" turo ko sa notebooks. Umiling si Shawn. "K-kahit kalahati lang niyan. Baka pagalitan ako at sabihing binigay ko sa iba ang inutos sa akin"

Tinitigan niya ako ng matagal. Nakakalusaw naman.

"Sige, baka nga magalit sila sayo" ngumiti ito at binigyan ako ng mga pitong notebooks. Seriously? Wala ba siyang tiwala sa akin? "Oh? Anong mukha yan? Wag na magreklamo, tinutulungan ka na nga ay." Tumingin ako sa kanya. "Hmm, siguro pinapahirapan ka ni Ken kaya di ka sanay na tinutulangan ka noh? Mukha naman siyang mabait. Wow, looks can really be decieving"

"Hindi naman" yan ang huling sinabi ko bago kami makapasok sa loob ng faculty room. "Magandang umaga po."

"Mas maganda ka sa umaga" bulong ni Shawn sa likod ko. Feeling ko tumaas lahat ng balahibo ko pero kahit ganun ay pinilit kong manatiling kalmado. Hoo! Kaya mo to Kenna!

"I-ilalagay ko--namin. Ilalagay lang po namin itong mga notebooks hehe"

Pagtapos nun ay dederetso na kami sa classroom namin kaso kakasimula palang ng reccess kaya gusto ko sana sa canteen.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now