Chapter 33: Bestfriends

73 4 0
                                    

~Ken's POV~

Oof.

That was cruel.

Kahit ako ay sobrang nagulat sa naging reaction ni Kenna. Alam kong mahal niya rin si Shawn so bakit?

Nasira tuloy lahat ng plano nitong isang to. Nasubaybayan ko pa naman kung paano niya minemorize yung script na ginawa niya para kay Kenna pero kanina ay nakalimutan niya lahat ito at iba ang mga sinasabi niya, wala nga sa plano yung tatlong rosas at panliligaw. Ang alam lang namin ay hihingi siya ng tawad. Mararamdaman talaga na galing sa puso lahat. Pagtapos nung malaking rejection event ay bumalik na rin sa dati ang lahat.

Maliban sa aming Empire Six at sa amin ni Yren na nasa headquarters, ay nagkaklase na sila. Nanlulumo na talaga dito si Shawn.

"Ang daya naman ng kapatid mo, Ken" sabay tawa ng mahina. Hindi naman ata nakainom ito diba? "Ang effort ko eh"

Nakaupo ito sa sofa habang ang iba ay nakatayo, kumakain at nakikiramay.

"Shawn.." saad ko nalang. "Hindi kasi," paano ko ba ipagtatanggol si Kenna? "Baka may rason siya. Kilala ko yung kambal ko. Alam ko naman na mahal ka nun eh pero marami lang talaga siyang iniisip, tapos dagdag pa yung nakidnap siya"

"Ako?" Sabi niya. Ha? Di ko maintindihan. "Bakit di niya ako hayaang samahan siya sa problema niya? Kung ayaw niya sa akin, she could have let me down gently pero yung words niya kanina, grabe talaga eh. Tsaka it was---"

"Your fault" biglang sabat ni Calix. "It was your fault"

"Ha?" Tanong ni Shawn. "Paano?" Tiningnan lang namin siya ng makahulugan. "Ay" anito nang malaman niya ang ginawa niya. "Pero, enough reason ba yun?"

"T*nga ka pala eh" sabi ni Nathan. Palamura ito pero unang beses niyang minura si Shawn ng seryoso.

"What?!"

"Osige!" Sigaw ni Nate. Woah, anong nangyagari? "Anong pakiramdam ng ireject tapos biglang hahabulin?!"

"Ha? Eh diba mas ayos yun?"

"Anong ayos?!"

"Hindi kasi," sabat ni Xander. "Isipin mo nga," nilahad niya ang kanyang kamay para ma-emphasize. "You rejected her, tapos ngayon, liligawan mo ng biglaan lang? What do you think is going on in her mind? Yung paasang ikaw na hinalikan nalang siya basta ay hahabol na sa kanya ngayon?"

"She'll think that I'm playing with her" realization ni Shawn.

"Mali kasi, mga bobo!" Sigaw ni RJ. "Nadisappoint siya kasi diba pinsan mo si Chrissa?"

"Wait what? Anong connect?" Tanong ni Yren. Halos matawa ako nang hindi ko rin maintindihan. Hahahaha, ano nga naman ang kinalaman?

"Kasi---ano....paano ko ba sasabihin ito? Argh! Di ko maexplain---ah! Kasi, ay wait. Aaah! Paano ba?!" Nafufrustrate na talaga si RJ HAHAHAHA.

"Shawn," tawag ni Mark. Lumingon naman sa kanya si Shawn. "Alam ba ni Kenna na alam mo na siya yung kalaro ni Ivy?"

"O-oo. Nalaman niya kahapon lang"

"That's even worse" tuloy pa ni Mark na ikinagulo ng isip ko. Ano? "Nung nireject mo siya dahil sa pangako mong hanapin yang mystery girl mo, nalaman niyang ang mamahalin mo lang ay yung hinahanap mo," getting there, pero di ko pa rin naintindihan. "And then nung nalaman mong siya yung hinahanap mo, gusto mo na siyang ligawan despite the fact na sinaktan mo siya dati. Sa tingin mo, anong mararamdaman niya?"

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now