Chapter 43: Confusion

73 2 0
                                    

~Kenna's POV~

I stared at their faces. Lahat sila ay seryosong seryoso. Kahit si Nathan na gising na ay hindi rin alam ang sasabihin. Everyone was shocked.

Katabi ko ang kambal ko na kakatapos lang magkwento tungkol sa nasaksihan niya kanina.

Si Chrissa ay si Jyla Luthea Villarante na kapatid ni Sir Luke. Si Zeus Pinzon ay nakikipagkita kay Chrissa and they seem to have some kind of relationship. She wants to take revenge for her real parents. Apperantly, kaming Nevilla ang target niya for some unknown reason.

I just can't get all these in my head. Like, hindi ko maintindihan! Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat?! Parang last month lang, ang saya saya namin without knowing what will happen.

Parang napaisip ulit ako sa sinabi ni Papa. Iiwasan ko na ba silang dalawa? Sayang naman, plano ko na sanang sagutin si Shawn kung hindi lang nagkaganito ang lahat.

"This is unbelievable." Anang Shawn. Nakayuko lang ito at nakaupo sa isang plastic na upuan sa loob ng kwarto ni Nate. "All this time, hindi ko siya kadugo." Napasabunot ito sa sarili. "All this time, nalinlang tayong lahat. Akala ko, totoo siya. Ngayon, hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibalik ang tiwalang nasira na niya. Hindi ko alam kung bakit parang mas matimbang pa itong nalaman ko kesa sa ilang taon kaming magkaibigan."

"This is serious." Saad ni Nathan na kasalukuyang nakaupo sa kanyang hostpital bed. "Bago ako maaksidente, I swear, may nakita akong babaeng nakaupo sa isang puno, nakatali ng mataas ang buhok. Hindi ko man ito makita ng maayos kasi mausok at traffic, alam kong nakatingin siya sa akin. Nakita ko rin na nakalong sleeves siya tulad ng dinescribe ni Ken, pero pula ang kulay. Ilang sandali lang nun ay nangyari na ang aksidente. Hindi ko alam ang totoong sunod na nangyari pero parang umiiba ang pattern ng tibok ng puso ko kapag si Chrissa ang nagbabantay sa akin. It was almost like I was nervous even if she was her usual jolly self. Hindi ko iyon pinansin until now."

"Her reaction that time when she learned that you were in the ICU was really convincing." Sabi naman ni Calix. "She was really worried and almost cried."

"Hindi rin." Sabat naman ni Shawn ulit. "Sinundan ko siya nung araw na iyon. She tried to call Zeus then cancelled the call when I got to her. Mabuti at mabilis ang mga mata ko."

"She's always wearing long sleeves." Bulong ni Yren. "Tapos kapag hinahawakan o niyayakap siya ay umiiwas siya. It was as if nasasaktan siya. I wonder if there are wounds hidden behind those sleeves."

"May mga araw rin na bigla nalang siyang magtataray." Sabi naman ni Lyza. "I know that's normal for girls every month pero sobrang sungit talaga at sobrang sama ng tingin. It was almost as if she was a whole different person. Tapos kinabukasan, back to normal na parang walang nangyari kahapon. Tinatanong ko minsan kung meron ba siya pero ang sabi ay wala daw. Minsan, nakakunot ang noo nito tapos nakatingin sa phone tapos bigla nalang magtatanong, 'Thursday na? Anong ginawa natin kahapon?'"

"That's not unusual." RJ contradicted. "Makakalimutin talaga siya and baka meron talaga pero ayaw lang sabihin. Girls tend to be like that."

"What's unusual is that, once, nasanggi ko ang kamay nitong nagsusulat then all of a sudden sinaksak niya ng ballpen ang braso ko. Buti at medyo makapal yung ballpen kaya walang sugat. It was unusual kasi malakas ang pagkakasaksak niya, then she got really mad afterwards. Hindi ako sanay doon kasi alam kong mahina si Chrissa sa physical fights at hindi siya madaling magalit." Mark explained.

"No, mahina pa rin siya." Sabat naman ni Xander. "We we're training more kasi gusto niya daw maging mas malakas pa. Dalawang araw palang ng basics ang inaaral namin, it's impossible to be that strong over two days. Mabilis lang din siyang mapagod at walang masyadong progress maliban sa speed niya, which is obviously like her."

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now