Chaper 24: Christmas Party

82 4 0
                                    

~Ken's POV~

"Kenna..." tawag ko matapos kong katukin ang kanyang pinto. Kagabi ay mag-isa siyang umuwi at nagkulong sa kwarto niya. "Papasok ako please? Share ka naman sa akin para gumaan ang pakiramdam mo"

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Buti nalang at wala na naman sina Mama kasi bumalik silang New York.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

~*~*Flashback~*~*

Nagtataka ako kay Kenna. Bakit niya gustong pumunta sa backstage? Ito namang si Chrissa, hindi na masyadong nagtanong at dinala siya sa gusto niyang puntahan.

I had a feeling that something might happen pero mukhang pribado kaya hindi na ako nakielam.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay tinanong ko si Yren kung saan ang backstage at agad naman niya akong sinamahan.

Nagaalala na ako kay Kenna kasi matagal tagal na rin akong nasa backstage pero walang tao.

Lumabas ako ng resto nang makarinig ako ng ingay.

"Cozy, wala na sila" boses ni Chrissa sa di kalayuan. Nakatayo siya sa harap ng nakahigang si Shawn. Nakakapagtaka na nakahiga ito sa labas ng restaurant. Nagtago ako sa may puno kaya rinig ko ang pinaguusapan nila. "Tayo ka na diyan, gagamutin ko yang mukha mo. Ang lakas talaga ng sir niyo" inalalayan niyang makatayo si Shawn bago hinawakan ang kanyang mukha. "Oh, tsk tsk. Kanina lang ang gwapo gwapo mo tapos ngayon, mukha ka nang pimple na tinubuan ng paa at kamay"

Hindi ko makita ang mukha ni Shawn sa anggulong ito pero base sa sinabi ni Chrissa, mukhang nabugbog siya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makitang sobrang nag-aalala si Chrissa kay Shawn.

"Chrissa, bakit mo ako kinakampihan? Alam mo naman siguro na hindi ko kayang ibalik ang mga binibigay mo. Lalo na kapag sinimulan mong bilangin lahat ng ginawa mo para sa akin these years just to get my mind off my sister's d-death"

"Hmm, wag mo nang isipin yun. Kung gusto ko ng kapalit, matagal ko na sanang dinemand sayo yun. Tsaka, ang panlilibre mo minsan minsan ay ayos na para sa akin"

"Natatakot na ako sa kabaitan mo. You're gonna be the worst when you get angry"

"Hahahaha! Wag mo nang isipin yun! Kinakampihan kita kasi ginusto ko yun at hindi ako napipilitan." Lalong tumindi ang kirot na nararamdaman ko nang yakapin niya si Shawn. Si Chrissa na mismo ang yumakap. "Kinakampihan kita kasi sanay na ako sa kabaliwan mo. Sanay ako sa mga kalokohan mo. Sanay ako na ako ang tumutuwid sa mga mali mo. At kahit anong mangyari, mahal na mahal pa rin kita. What? Sa tingin mo di ko kayang pantayan ang pagmamahal ni Kenna?"

Nagyakapan silang dalawa.

Namalayan ko nalang na nakaupo ako sa likod ng puno at tumutulo ang luha. Para akong tinusok ng sobrang daming karayom! Ang sakit pala nito.

Pinigilan kong gumawa ng kahit anong ingay kahit na masakit para sa akin.

Mahal niya pala si Shawn. Wala na. Wala na akong pagasa.

*~*~End of flashback*~*~

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Kenna. Kahit ganun ay gusto kong pagaanin ang loob niya.

Hindi ko na rin alam kung paano ko pa haharapin si Chrissa. God knows kung gaano karami ang ginawa kong pagpapapansin sa kanya. Papansin palang yun, hindi pa ligaw pero mukhang talo na agad ako, di pa man nagsisimula.

The Key And Her SacrificesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon