Chapter 4: Vacation

166 4 0
                                    

~Chrissa's POV~

"Chrissa?" sabi ni Tita Shine.

"Good evening po Tita Shine! Birthday po ni Shawn ngayon diba? Na saan na po pala siya?" Medyo siningit ko ung ulo ko para makakita sa loob ng bahay nila.

Binuksan ni Tita yung pinto at pumasok na ako. "Di ka talaga nagbago, Chrissa Fyn." saad niya at pinaupo na ako sa kanilang sofa. "Ikaw pa rin yang makulit at masiyahing bata na kilala naming lahat"

"Ahahahahahahaha! Di naman po talaga ako magbabago----"

"Di ka naman talaga magbabago" putol sa akin ni Shawn na paparating palang dito. Nakangisi ito kaya binigyan ko siya ng 'Anong-nginingiti-ngiti-mo-diyan-look'. "Ganyan ka na permanently. Alam mo ba Mom, may ginawa yan kanina sa school----"

"Aaaiiisshh!" Napatayo agad ako sa sofa at hinila ang buhok niya. At dahil mas matangkad siya sa akin, naka-bend ito ngayon. "Nako Tita! Wala yun! Yan lang talaga ang way ni Shawn para magpasalamat sa akin, diba Shawn Fire? Diba? DIBAAA?" Lalo ko pang diniinan ang pagkapit ko sa buhok niya kaya halos magbaluktot na ang buong katawan niya.

Walang hiya kang lalaki ka! Mabubuking na naman akoooo!

"A-aray. Araaaay! O-oo na. Oo naaaaa" saka ko lang siya binitawan at tinapik pa ang balikat niya as a sign of 'good boy'. "Tch! Brutal na Amazona!"

"Hahahahahahaha! Ang cute niyo talaga. Just like old times" nakangiting comment ni Tita. Wow! Buti di nagalit ito. Ay, close nga pala kami, hehehehe.

"What the hell Mom?!" woah! Ayan na ang rampage ng isang Shawn! "She pulled my hair in front of you, and it's cute?! She fu-----"

"Your words Shawn Fire" hehe. Seryoso na si Tita. Yari ka! "Di ka pwedeng magmura sa loob ng bahay na ito"

"Ooohh, so outside I can curse all I want?!"

"Depende"

Lumambot ang mukha ni Shawn.

"Wow! Ang cool mo talaga" sabi pa nito. Psh! Kailan pa di naging cool yang nanay mo?

"Siyempre! Magkakaroon ba naman ng anak na sing astig ni Shawn Fire Alvarez kung hindi ako cool?" pagyayabang ni Tita.

*facepalm*

Gooosh! Lalaki ang ulo nitong anak niyo!

"Hehehe." Ngiti ng lalaki. "Rinig mo yun, Chrissa?" Ang yabang talaga.

"Ehem! Lumalaki ang ulo. Ehem! Ang yabang talaga. Ehem! Ehem! EHEM!" Pagpaparinig ko. Siyempre, palalagpasin ko ba naman ang golden oppurtunity na asarin siya?

And andiyan na ang apoy na aura. Hahahaha!

"You little----" hahahahaha! Putol na naman siya.

"Talo ka na naman ni Chrissa Fyn, anak. Hahahaha! Lagi nalang." boses ni Tito Ivan!

"Kasi naman pinagtutulungan-----"

"Oo naman, Tito! Malakas lang ang charisma nito sa ibang babae, pero di nila alam, asar talo siya sa akin! Hahahahaha!" hehehe pinutol ko na naman.

"Aaaaarrrgggghhh!" Pagmamaktol niya.

Naramdaman ko ang kamay ni Tito sa ulo ko. "Bakit ka nga pala napadaan, Chrissa Fyn?" tanong nito. "Naiwan na naman ba ni Shawn ang cellphone niya sa dorm room mo?"

"Aaahh, hindi po Tito Ivan. Birthday nga po kasi ni Shawn ngayon at---"

"Ay! Nga pala, pasensiya na at wala kaming handa ngayong taon ha." sabat ni Tito. Ugh! Patapusin muna akooo.

The Key And Her SacrificesWhere stories live. Discover now