Chapter 49: The Black Cat

75 1 0
                                    

~Chrissa's POV~

Naalimpungatan ako nang lumiwanag ang paligid kahit nakapikit ako. Nakakasilaw.

Ibinuka ko ang mga mata ko at marahas na napapikit sa sobrang tapat nito sa araw.

Umaga na pala. Tinabon ko nalang ang kumot sa ulo ko kasi gusto ko pa matulog. I find everyday weird lately. Bigla nalang ako magigising na masakit ang katawan, may bagong sugat, galit sa akin ang mga tao at ang pinakaayaw ko ay yung nakaipit pa ako ng mataas.

I mean, matutulog nalang, nakaipit pa? Ang uncomfortable. Who does that? Apparantly me, so wala akong karapatang magreklamo.

Ilang minuto pa ay bumangon nalang ako at tinanggal ang ipit sa buhok ko. Papikit pikit pa ring nakaupo sa higaan ko pero gising na ang diwa.

Simula nung bumalik ako kay Kuya Luke, dito na ako sa bahay niya tumira. Maganda naman dito. Magandang kwarto, masarap na ulam, members ng Reprisal bilang mga kaibigan at higit sa lahat, kasama ko si Kuya Luke.

Iniwan ko yung foster parents ko na wala namang pakielam sa akin. I never liked them anyway.

I know, I don't sound like the usual Chrissa pero ewan ko ba. I feel realistic recently. Hindi nalang puro bright side ang tinitingnan ko kundi yung lahat ng pwedeng mangyari.

Bigla nalang bumukas ang pinto at tumambad sa aking harap ang nakangiting si Zeus.

"Gising na ang prinsesa namin. Good morning!" Bati niya na nakapagpangiti sa akin. Basta nalang siyang sumalampak sa higaan ko habang nakaupo pa ako. Buti nalang, malaki laki itong higaan ko.

Matagal na nilang tawag sa akin ang 'princess', 'prinsesa', 'reyna', 'queen', 'lady', 'young lady' at kung ano ano pa. Sabi nila ay dahil ako lang daw ang nag-iisang babae sa kanilang grupo and they were dying to meet a girl properly, pero dahil hardcore magtraining si Kuya Luke ay hindi nila magawa. Hahaha.

"Good morning." Kinusot kusot ko ang mga mata ko para matanggal lang mga muta. Nakakahiya naman sa kanya. "Alam kong ako lang ang babae dito sa Blazing Reprisal pero wag niyo naman akong itratong parang spoiled brat. Hindi porket babae ako, hindi kita kayang pabagsakin."

Bahagya niyang itinagilid ang ulo as if studying my appearance.

"Chrissa or Luthea?" Tanong pa nito.

Kumunot din ang noo ko. "What?"

Tumango tango ito like he knew the answer already. "Ok, Chrissa."

"Bakit?"

Habang naka-side view sa akin ay tinukod niya ang kamay saka ngumiti sa akin. "Wala naman, I just wanted to say good morning to our princess."

Napatawa ako ng malakas. "Wow ah. For someone who has been in my tail for a long time, it's gonna be scary when you disappear."

"Don't worry. I won't disappear." Nakangiti lang siya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Iba ata ang ngiti mo ngayon ah?"

Tumawa ito ng mahina. "Wala naman. Extra happy lang ako."

"Bakit?"

"Ako kasi ang una mong nakita pagkagising. Hehe."

"Luh, anong connect?"

"Wala naman."

"You're weird."

"You're weirder"

"You're the weirdest"

"You're the weirdest of the weirdest."

We stared at each other for a good long second before bursting into laughter. "Hahahahaha! Baliw ka talaga."

The Key And Her SacrificesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora